Tagalog news: Qualified senior citizens ng Antipolo tumanggap ng quarterly pension

LUNSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Abril 10 — Tinanggap ng mga nakatatandang mamamayan sa lungsod ng Antipolo ang kanilang quarterly pension mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pakikipagtulungan ng City Social Welfare and Development Office, Office of Senior Citizens Affair (OSCA) at Antipolo Federation of Senior Citizens, Inc. (AFSCI).

Binati din ni Antipolo City Mayor Nilo Leyble ang mga Senior Citizens na may edad 77 at pataas na kabilang sa mahihirap na mamamayan sa lungsod ng Antipolo. Binigyan ng lokal na pamahalaan ng pag-asa at pasasalamat ang mga nakatatanda.

Mahigit kumulang sa 100 senior citizens ang tumanggap ng P500 bawat isa. Pinangasiwaan ng CSWD ang evaluation sa mga kuwalipikadong matatanda na kung saan dapat kabilang sila sa mga mahihirap at walang ibang inaasahang mapagkakakitaan. (Antipolo PIO)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261365559626

Tagalog news: 6,000 senior citizens nakataggap ng libreng bakuna

ANTIPOLO, Rizal, Peb 12 (PIA) — May kabuuang 6,000 na senior citizen ang nakinabang sa libreng bakuna kontra trangkaso na isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal sa nasabing lugar.

Ang kabuuang halaga ng libreng bakuna ay umabot ng P5,700,000.

Ayon kay Rizal Governor Jun Ynares, sa buong taon na ito ay mas maraming misyong pangmedikal ang isasagawa, kasabay ang pitong bagong tayo o bagong kumpuning provincial hospitals na tutugon sa masmalawak na pangkalusugang pangangailangan hindi lamang ng mga nakatatanda, kundi pati na rin ng lahat ng nasasakupan ng probinsya.

“Pangunahing layunin natin ang maipagkaloob ang mga medikal na pangangailangan ng mga senior citizens. Ito ang ating paraan upang suklian sila sa serbisyong kanilang inilaan sa siyudad sa ating lalawigan. Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal ay patuloy na bibigyang prayoridad ang mga pangangailangan ng mga nakakatanda,” ayon kay Gob. Ynares. (CPG/GG/Rizal PIO-PIA4A Rizal)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261360566678

6,000 senior citizens vaccinated with free anti-flu immunization

ANTIPOLO, Rizal, Feb. 11 (PIA) –A total of 6,000 senior citizens benefited from the free anti-flu immunization conducted by the provincial government of Rizal here. 

The free vaccination program cost P5,700,000.00 

Gov. Jun Ynares said that throughout the year, more medical missions will be conducted on top of the seven newly constructed or renovated provincial hospitals, aimed at providing health services not only to the elderly but to all constituents. 

“It is our primary goal to cater to the health needs of senior citizens. It’s our way of repaying them with the service they have rendered for our city and province. The provincial government will always prioritize services to our elders,” Gov. Ynares remarked. (CPG/PIO-Rizal/PIA-Rizal) 

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=631360561785

Tagalog news: 1,000 senior citizens ng Antipolo nagsagawa ng general assembly

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Enero 2 — Idinaos kamakailan ng halos 1,000 senior citizen sa Lungsod ng Antipolo ang kanilang general assembly at Christmas party para sa taong 2012 sa Victory Park & Shop Multi-Purpose Covered Court.

Magkatuwang na inihanda ng City Social Welfare and Development Office (CSWD), Office of Senior Citizens Affair (OSCA) at Antipolo Federation of Senior Citizens Inc. (AFSCI) ang naturang programa.

“Nakakatuwa po pag ganitong pagkakataon tuwing Kapaskuhan ay nagkakatipon-tipon ang lahat ng senior citizens sa isang lugar na ito. Sapagkat nakikita natin na tayong mga taga Antipolo, lalong lalo na ang mga senior citizens ay maligaya at masasaya,” ayon kay Antipolo Mayor Nilo Leyble na nagbigay ng paunang pananalita sa programa.

Naging bahagi rin ng programa ang pag-uulat ni OSCA Head Manuel Gorobat ng mga naging accomplishment para sa mga senior citizens sa loob ng isang taon.

Nabibilang sa mga naisagawang proyekto at programa ang sports activities, leadership training, Lakbay Aral, national meetings, Natatanging Lola, Social Pension, Senior Citizens ID, general assemblies at ang bagong programa ng PhilHealth.

Samantala, nagpasalamat naman si AFSCI President Tiburcio Estrera sa magandang samahan ng mga senior citizens na hinikayat niya na patuloy na magparami ng mga miyembro at makibahagi sa mga programa at proyekto ng pederasyon. Nagbigay din ng kaniyang mensahe si Antipolo CSWD Head Nadeia Sarte. (Antipolo PIO-PIA Rizal)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261357095972

Tagalog news: Ground golf games inilunsad para sa Antipolo senior citizens

ANTIPOLO CITY, Rizal, Set 18 — Pinangunahan ng Office of Senior Citizens Affair (OSCA) ang paglulunsad ng weekly ground golf games ng mga senior citizens noong ika-6 ng Setyembre. 

Ginanap ito sa pamamatnubay ng Antipolo City Social Welfare and Development Office (CSWD) sa pangunguna ni Tim Tavera, focal person ng senior citizens. Sinimulan ang aktibidad sa ganap na ika-anim ng umaga sa Sumulong Baseball Field. 

Malugod namang binati ni Nadeia Sarte, officer-in-charge ng CSWD ang aktibidad at nagbigay ng mensahe sa mga players na senior citizens. 

“Napakaganda po ng mga programa ng ating mga minamahal na nakatatandang mamamayan at talagang pagdating sa sports ay buhay na buhay tayo. Katulad po nitong ginagawa nating ground golf games na talagang tamang-tama para sa ating mga senior citizens. Mag-enjoy po tayo at pasalamatan natin ang ating mga kaibigang senior citizens ng Marikina. Ito ay bahagi pa rin ng programa ng ating Mayor Nilo Leyble para sa mga senior citizens. Hindi lamang po ito ngayon, kundi patuloy po nating isasagawa ito bilang exercise. Kaya sana po ay suportahan natin ang programang ito at kami naman sa CSWD ay laging nakaalalay sa inyo,” sabi ni Sarte. 

Nagpapasalamat ang OSCA at Antipolo Federation of Senior Citizens Inc. sa mga programang patuloy na nagpapalakas sa kanila at nagiging daan ng kanilang patuloy na pagkakaisa. 

“Isa na namang magandang proyekto para sa aming mga senior citizens itong ground golf games. Marami tayong mga kasapi na mahilig sa golf, kaya lang medyo may edad na sila at ito ang tamang-tama para sa kanilang nakahiligang sports noong kabataan pa,” sabi ni Manuel Gorobat, OSCA head. 

Tuwing Miyerkules ang ground golf games na sisimulan sa ganap na ika-anim ng umaga hanggang alas dose ng tanghali. (ANTIPOLO PIO,NCA/GG,PIA4A)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261347935413