Tagalog news: 1,000 senior citizens ng Antipolo nagsagawa ng general assembly

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Enero 2 — Idinaos kamakailan ng halos 1,000 senior citizen sa Lungsod ng Antipolo ang kanilang general assembly at Christmas party para sa taong 2012 sa Victory Park & Shop Multi-Purpose Covered Court.

Magkatuwang na inihanda ng City Social Welfare and Development Office (CSWD), Office of Senior Citizens Affair (OSCA) at Antipolo Federation of Senior Citizens Inc. (AFSCI) ang naturang programa.

“Nakakatuwa po pag ganitong pagkakataon tuwing Kapaskuhan ay nagkakatipon-tipon ang lahat ng senior citizens sa isang lugar na ito. Sapagkat nakikita natin na tayong mga taga Antipolo, lalong lalo na ang mga senior citizens ay maligaya at masasaya,” ayon kay Antipolo Mayor Nilo Leyble na nagbigay ng paunang pananalita sa programa.

Naging bahagi rin ng programa ang pag-uulat ni OSCA Head Manuel Gorobat ng mga naging accomplishment para sa mga senior citizens sa loob ng isang taon.

Nabibilang sa mga naisagawang proyekto at programa ang sports activities, leadership training, Lakbay Aral, national meetings, Natatanging Lola, Social Pension, Senior Citizens ID, general assemblies at ang bagong programa ng PhilHealth.

Samantala, nagpasalamat naman si AFSCI President Tiburcio Estrera sa magandang samahan ng mga senior citizens na hinikayat niya na patuloy na magparami ng mga miyembro at makibahagi sa mga programa at proyekto ng pederasyon. Nagbigay din ng kaniyang mensahe si Antipolo CSWD Head Nadeia Sarte. (Antipolo PIO-PIA Rizal)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261357095972

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s