Tagalog news: 6,000 senior citizens nakataggap ng libreng bakuna

ANTIPOLO, Rizal, Peb 12 (PIA) — May kabuuang 6,000 na senior citizen ang nakinabang sa libreng bakuna kontra trangkaso na isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal sa nasabing lugar.

Ang kabuuang halaga ng libreng bakuna ay umabot ng P5,700,000.

Ayon kay Rizal Governor Jun Ynares, sa buong taon na ito ay mas maraming misyong pangmedikal ang isasagawa, kasabay ang pitong bagong tayo o bagong kumpuning provincial hospitals na tutugon sa masmalawak na pangkalusugang pangangailangan hindi lamang ng mga nakatatanda, kundi pati na rin ng lahat ng nasasakupan ng probinsya.

“Pangunahing layunin natin ang maipagkaloob ang mga medikal na pangangailangan ng mga senior citizens. Ito ang ating paraan upang suklian sila sa serbisyong kanilang inilaan sa siyudad sa ating lalawigan. Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal ay patuloy na bibigyang prayoridad ang mga pangangailangan ng mga nakakatanda,” ayon kay Gob. Ynares. (CPG/GG/Rizal PIO-PIA4A Rizal)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261360566678

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s