Tagalog news: Ground golf games inilunsad para sa Antipolo senior citizens

ANTIPOLO CITY, Rizal, Set 18 — Pinangunahan ng Office of Senior Citizens Affair (OSCA) ang paglulunsad ng weekly ground golf games ng mga senior citizens noong ika-6 ng Setyembre. 

Ginanap ito sa pamamatnubay ng Antipolo City Social Welfare and Development Office (CSWD) sa pangunguna ni Tim Tavera, focal person ng senior citizens. Sinimulan ang aktibidad sa ganap na ika-anim ng umaga sa Sumulong Baseball Field. 

Malugod namang binati ni Nadeia Sarte, officer-in-charge ng CSWD ang aktibidad at nagbigay ng mensahe sa mga players na senior citizens. 

“Napakaganda po ng mga programa ng ating mga minamahal na nakatatandang mamamayan at talagang pagdating sa sports ay buhay na buhay tayo. Katulad po nitong ginagawa nating ground golf games na talagang tamang-tama para sa ating mga senior citizens. Mag-enjoy po tayo at pasalamatan natin ang ating mga kaibigang senior citizens ng Marikina. Ito ay bahagi pa rin ng programa ng ating Mayor Nilo Leyble para sa mga senior citizens. Hindi lamang po ito ngayon, kundi patuloy po nating isasagawa ito bilang exercise. Kaya sana po ay suportahan natin ang programang ito at kami naman sa CSWD ay laging nakaalalay sa inyo,” sabi ni Sarte. 

Nagpapasalamat ang OSCA at Antipolo Federation of Senior Citizens Inc. sa mga programang patuloy na nagpapalakas sa kanila at nagiging daan ng kanilang patuloy na pagkakaisa. 

“Isa na namang magandang proyekto para sa aming mga senior citizens itong ground golf games. Marami tayong mga kasapi na mahilig sa golf, kaya lang medyo may edad na sila at ito ang tamang-tama para sa kanilang nakahiligang sports noong kabataan pa,” sabi ni Manuel Gorobat, OSCA head. 

Tuwing Miyerkules ang ground golf games na sisimulan sa ganap na ika-anim ng umaga hanggang alas dose ng tanghali. (ANTIPOLO PIO,NCA/GG,PIA4A)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261347935413

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s