Tagalog news: Ika-139 taon ni Don Juan Sumulong, ipinagdiwang sa Antipolo

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Enero 6 (PIA) –Pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod at Deparment of Education (DepED) Division of Antipolo City ang taunang paggunita sa kaarawan ni Don Juan Marquez Sumulong, isang, isang senador, abogado, manunulat at mananalumpati na kinikilala ngayon bilang isa sa mga bayaning umukit sa kasaysayan ng bansa noong Disyembre 27.

Ginanap sa Sumulong Park ang pagdiriwang ng ika-139 na kaarawan ni Sumulong na dinaluhan ng mga opisyales ng lungsod, mga empleyado ng City Hall, mga punungguro kapiling ang maraming mamamayan ng lungsod.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang misang ginanap sa Antipolo Cathedral, na sinundan ng paghahandog ng bulaklak sa dambana ng bayani na nasa gitna ng liwasan.

Ipinahayag ni Gng. Lourdes A. Tabuena mula sa DepED Division of Antipolo City ang layunin ng programang nagbibigay-parangal at pagpupugay kay Don Juan Sumulong. Binanggit niya ang mga naging papel ni Sumulong sa kasaysayan ng bansa noong panahon ng Himagsikan at Commonwealth bukod sa pagiging ninuno ng mga lider ng bansa tulad ni dating pangulong Corazon Sumulong Cojuangco-Aquino at kasalukuyang Presidente Benigno S. Aquino III.

Sa kaniyang mensahe naman ay ipinaabot ni Mayor Jun Ynares III sa lahat na dapat tularan, isabuhay at gawing inspirasyon ang iniwang halimbawa ni Sumulong bilang isang tapat, masigasig at huwarang lingkod-bayan. Aniya, ito ang pinakamakabuluhang pag-alaala at parangal sa kabayanihan ng dakilang anak ng lungsod.

Ipinabatid ni Mayor Ynares na taglay ni Sumulong ang “katatagan ng paninindigan sa katotohanan, tibay ng paniniwala sa potensyal at kakayahan ng kapwa Antipolenyo, at matibay na paninindigan sa harap ng mga hadlang at pagsubok.”

Pinasalamatan ni dating Konsehal Lorenzo Juan Sumulong III sampu ng kanilang angkan ang lahat ng mga dumalo sa pagtitipon. Hinimok niya ang lahat na “gawing inspirasyon at pamantayan ng mga lingkod bayan (si Don Juan Sumulong) upang lalong mapaglingkuran ng mabuti ang publiko.”

Sa katapusan ng programa ay naghandog ang mga mag-aaral mula sa Antipolo National High School ng isang pagtatanghal kung saan kanilang binalik-tanaw ang makulay na buhay ni Sumulong sa larangan ng paglilingkod sa bayan bilang isa sa mga ama ng pambansang demokrasya maging ng lalawigan ng Rizal. (Joel Ferreras, Antipolo-PIO)

-http://news.pia.gov.ph/index.php?article=2261388964833

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s