Tagalog news: Field Day and Harvest Festival, ipinagdiwang sa Antipolo

ANTIPOLO CITY, Rizal, Set. 3 (PIA) — Upang lubos pang mapalakas ang pagsasaka at mapabuti ang relasyon ng mga magsasaka at suplayer, ipinagdiwang ng Pamahalaang Panlungsod ng Antipolo sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares ang Field Day ang Harvest Festival kamakailan sa pakikipagtulungan ng Allied Botanical Corporation (ABC), Perez Agri-Eco Tourism and Natural Farm at ng City Agriculture Office.

Ang nasabing pagtitipon ay inorganisa ng ABC na matagal nang nakikipagtulungan sa Perez Farm at pamahalaang lungsod na may layuning na matulungan ang mga magsasaka na mapabuti ang kalidad ng produktong kanilang inani, maturuan sila ng panibagong mga kaalaman sa pagsasaka, makakuha ng mataas na kalidad ng binhi, at makapagbibigay ng iba pang serbisyong pang-agrikultural.

Kasama din sa programa ang mga technical presentation para sa mga magsasaka at mangangalakal ukol sa organic farming at iba pang madaling paraan ng pagtatanim, pagpapalago ng ani at mga kapaki-pakinabang na kaalaman sa pagbebenta ng produkto.

Samantala, naimbitahan din ang ilang mga mangangalakal at nagbibili ng produkto upang makatulong sa mga magsasaka ng Lungsod ng Antipolo.

Dumalo sa nasabing aktibidad sina Rizal Gob. Nini Ynares, Perez Farm owner Ret. Gen. Arnulfo R. Perez, ABC Area Sales Manager Rudy Dean, Antipolo City Agriculturist Dr. Cletildo De Asis, Provincial Board Member Armando Villamayor, City Councilor Ronald Barcena, Provincial Agriculture Office OIC Dr. Reynaldo Bonita, iba pang mga opisyal mula sa pamahalaang panlalawigan ng Rizal at pamahalaang panlungsod ng Antipolo, at mga ABC staff.

Sa isang pahayag, sinabi ni Mayor Jun Ynares na, “Ang Lungsod ng Antipolo, sa kabila ng mabilis na pag-unlad ng industriya at komersyo dito, ay patuloy pa ring sumusuporta sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagpapalago ng kanilang ani sa tulong ng makabago at ligtas na pamamaraan ng pagsasaka at pagpapataas ng kalidad ng kanilang produkto sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga imprastruktura tulad ng farm-to-market roads at mga sentrong pangkalakalan.”

“Patuloy tayong magbibigay ng mga nararapat na serbisyo sa ating mga magsasaka dahil sa kanilang mga ani nakasalalay ang araw-araw nating kakainin,” dagdag pa ni Ynares. (Antipolo PIO)

-http://news.pia.gov.ph/index.php?article=2261378187877

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s