Tagalog news: Antipolo kumikilos kontra trafficking at pang-aabuso

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Okt. 3 (PIA) –Buo ang suporta at seryoso ang lungsod ng Antipolo sa malawak na kilusan kontra pang-aabuso at human trafficking, makaraang ipahayag ng pamahalaang panlunsod ang mga programang nagsusulong paunlarin ang kaalaman ng lahat laban sa mga mapagsamantala.

Sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office (CSWD), magsasagawa ang mga barangay ng Anti-Human Trafficking Campaign Seminar sa Oktubre, kaalinsabay ng pagpapaskil sa bawat barangay ng islogan patungkol sa mga abusado at mapanlinlang na dako ng hanapbuhay.

Ang mga mag-aaral sa lungsod ay tatanggap din ng mga babasahing magtuturo kung paano makaiiwas sa illegal recruiters na ang ilan pa sa mga ito ay mga bugaw. Samantala, inaanyayahan naman ang lahat na sumali sa FIGHT Human Trafficking Fun Run na gagawin sa Ynares Center sa darating na Disyembre.
Kamakailan ay ipinahayag ng lungsod ang mainit nitong pakikiisa sa iFIGHT Against Human Trafficking and Slavery, isang programa ng Visayan Forum Foundation na pinangungunahan ni Ma. Cecilia Oebanda, isang tanyag na human rights activist.
Makaraang lagdaan ni Mayor Jun Ynares ang kasunduan sa pagitan ng lungsod at ng kilusan ni Oebanda ay kaniyang ipinahayag ang P100,000 pabuyang naghihintay sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon tungo sa matagumpay na pagkakatimbog ng mga cybersex dens na nagtatago sa lungsod. (Joel Ferreras, Antipolo-PIO/PIA-Rizal)

-http://news.pia.gov.ph/index.php?article=631380778311

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s