Tagalog news: Malnutrisyon, pinagtuunan ng pansin sa Antipolo City

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Agosto 6 (PIA) –Bilang pakikibahagi sa pagdiriwang ng Nutrition Month, mahigit 1,000 mag-aaral mula sa Sumilang Elementary School ang nabiyayaan sa ginanap na 1st Regional Nutrition Service Caravan kung saan pinagtuunan ang malnutrisyon.

Ito ay pinangunahan ng Regional Development Council (RDC) at ng National Nutrition Council (NNC) ng Rehiyon IV-A Calabarzon sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panglungsod ng Antipolo at ng pamahalaang panlalawigan ng Rizal.

Ayon kay Mayor Jun Ynares, napapanahon ang nasabing aktibidad dahil isa sa prayoridad ng kanyang administrasyon ang pagresolba sa malnutrisyon sa lungsod. Sa kasalukuyan, ang lungsod ng Antipolo ang isa sa may pinakamataas na kaso ng malnutrisyon sa buong rehiyon ng Calabarzon.

“Inaamin ko na hanggang sa kasalukuyan, ang dumaraming kaso ng malnutrisyon ay nakaka-bahala. Patuloy ko pa ring tinitingnan ang sanhi nito at nagsasagawa ng muling pag-aaral sa programang pang-nutrisyon ng siyudad upang matugunan ito. Kailangan ng mga kaukulang pagtatama at pagbabago sa programang ito,” ayon kay Mayor Ynares.

Ang mga mag-aaral sa elementarya at day care ay nakinabang sa iba’t ibang aktibidad ng nutrition caravan tulad ng medical at dental mission, nutrition assessment at counseling, mga lecture, film showing, information campaign, deworming at iba pa.

Higit pa rito, ang mga pamilya, lalo na ang mga magulang ay nagpahayag ng suporta sa nasabing programa sa pangakong kanilang lubos na pangangalagaan ang kalusugan ng kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagpapakain sa kanila ng gulay at mga bungang-kahoy.

Samantala, namahagi naman ng seedlings at food packs ang City Environment and Natural Resources Office sa mga benepisyaryo ng ‘Food-For-Work’ program, na naglalayong hikayatin ang mga pamilya na maging self-sufficient sa pamamagitan ng pagtatanim.

Bilang pagtatapos ng nutrition caravan, isang ‘ceremonial tree planting’ ang isinagawa ng mga kawani ng RDC, NNC at pamahalaang lungsod ng Antipolo na pinangungunahan ni Mayor Ynares. Sa tagumpay ng nasabing programa, tiwala si Mayor Jun Ynares na ang kanyang adminstrasyon ay makatutugon sa lumalaking insidente ng malnutrisyon sa mga kabataan ng lungsod. (CPG/GG-Rizal PIO)
-http://www.pia.gov.ph/news/index.php?article=2261375754117

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s