Tagalog news: Gawad Rizal inihandog sa 7 Rizalenyo

TAYTAY, Rizal, Hunyo 27 (PIA) — Iginawad sa pitong natatanging Rizalenyo ang Gawad Rizal kamakailan kasabay ng selebrasyon ng ika-152 kaarawan ng ating pambansang bayaning si Gat Jose P. Rizal.

Pinarangalan ng Gawad Rizal ngayong taon sina Angono Mayor Gerardo “Gerry” Calderon para sa Public Management;ang direktor ng Juan Sumulong Memorial School Systems na si Liwayway Sanvictores para sa Education; Juan M. Barredo sa Business; Teresa Mayor Rodel N. Dela Cruz sa Environment; Nickson L. Nimeno sa Sports and Youth; Dr. Rodelfo C. Rabanal sa Medicine; at Mr. Martiniano F. Tambongco sa Cooperative.

Layunin ng Gawad Rizal itampok ang iba’t ibang katangian ni Gat Rizal upang bigyang inspirasyon ang kabataan at mamamayan para sa pagtataguyod ng bansa.

Ang parangal ay iginawad ni Gobernador Rebecca “Nini” Ynares kasama ang editorial board ng Rizaleño Sulo, isang lokal na pahayagan at magasin sa probinsiya. Si Dr.William S. Co, Chairman ng ICCT Colleges at Honorable Consul to the Republic of Namibia ay nagbigay ng kanyang mensahe ng pag-asa at aksyon.

“Ikinalulugod natin ang ginagawa ng organisasyong ito na kumikilala sa mga nagawa ng mga taong nagtagumpay sa kanilang napiling larangan. Ang mga pinarangalang ito ay tunay na inspirasyon nating lahat,” pahayag ni Gob. Ynares

Samantala, itinampok din sa pagdiriwang ang paglulunsad ng Rizal Binhi Awards na nakadirekta sa kabataang Rizalenyo na magiging mga susunod na pinuno.(PIO/CPG/GG/PIA4A-Rizal)
-http://www.pia.gov.ph/news/index.php?article=2261372297963

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s