Tagalog news: Pamahalaan ng Rizal at mga minero, nagkasundo kontra kalamidad

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Hunyo 24 (PIA) — Nakipagkasundo kamakailan ang pamahalaang panlalawigan ng Rizal sa Eastern Rizal Miners Association (ERMA) sa pamamagitan ng isang memorandum of agreement (MOA) para sa isang disaster risk reduction and management (DRRM) partnership at emergency response.

Ang MOA na bahagi nang patuloy na pagsisikap upang matugunan ang banta dulot ng kalamidad ay nilagdaan nina Rizal Gob. Jun Ynares at Angelita Lee, pangulo ng ERMA.

Sa ilalim ng kasunduan, ang pamahalaang panlalawigan ay ipagbibigay-alam sa mga ERMA responders ang lugar kung saan sila kikilos kapag may kalamidad, pangungunahan ang koordinasyon para sa partisipasyon ng iba pang mga tumutulong na grupo upang makakuha ng kaalaman at pangangailangan, at maglaan ng lugar para sa DRRM capability building programs.

Sa kabilang banda, ang ERMA naman ay magbibigay ng DRRM awareness sa kanyang mga miyembro, tumulong sa mga stranded commuters at pasahero sa kahabaan ng Marcos Highway (Cainta-Antipolo area) at Ortigas Avenue Extension (Pasig-Cainta area) kapag may kalamidad katulad ng bagyo at baha, at magbigay ng mga kagamitan para sa rescue operations.

Kasabay ng pagpapatibay sa kasunduan, nagpasa at nagpatibay rin ng Resolusyon Blg. 115, s. 2013 ang Sangguniang Panlalawigan ng Rizal, na pinahintulutan si Rizal Gob. Jun Ynares na pumasok sa naturang kasunduan bilang ayuda at tulong na mga kagamitan at tauhan para sa mas epektibong pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

Ang pamahalaang panlalawigan ng Rizal, sa pamumuno ni Gob. Jun Ynares ay binigyang prayoridad ang paghahanda laban sa kalamidad upang maabot ang zero-casualty kapag may kalamidad. At para sa gawaing ito, kinilala na ang provincial DRRM office ng Rizal ng national DRRM council at ng Calabarzon regional DRRM council dahil sa natatanging programa nito sa disaster risk reduction and management.

Samantala, ang ERMA ay isang asosasyon ng mga minahan at katulad na mga kumpanya nito na naka-base sa lalawigan ng Rizal kung saan ang mga miyembro nitong kumpanya ay nagnanais na tulungan ang pamahalaang panlalawigan sa disaster risk reduction and management programs sa pamamagitan ng buo, komprehensibo, sama-sama at aktibong pamamaraan upang mabawasan ang pinsala ng mga kalamidad at pagbabago ng klima sa lipunan, ekonomiya at kapaligiran ng lalawigan. (PIO-Rizal)
-http://www.pia.gov.ph/news/index.php?article=631372039213

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s