Tagalog news: Antipolo CDRRMO pinangunahan ang Disaster Preparedness Week

LUNGSOD NG ANTIPOLO, RIZAL, Hunyo 20 — Nanguna sa pagsasagawa ng mga pagsasanay ang Antipolo City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) noong Disaster Preparedness Week ngayong Hunyo.

Nakapagbigay ang tanggapan ng mga seminar tungkol sa tamang pamamaraan at paghahanda sa tuwing may darating na sakuna o trahedya gaya ng lindol, bagyo, pagbaha at sunog.

Isinagawa ang nasabing pagsasanay sa mga tanggapan ng Our Lady of Fatima University, De La Salle Antipolo, San Antonio Parish, Barangay Mambugan. Dumalo rin sa aktibidad ang non-government organization na Guardians.

“Nagpapasalamat kami sa mga tanggapang sumusuporta sa amin sapagkat sila na mismo ang sumasagot sa mga kinakailangang gamit para sa pagsasanay. Ang Antipolo CDRRMO naman ang nagsasagawa ng seminars at nagbibigay ng tamang kaalaman sa kanila,” ayon kay Antipolo City DRRM Officer Joey Marco

Ayon sa CDRRMO, bagamat sa kakulangan ng budget ng opisina ay patuloy pa rin ang mga pagsasanay na isinasagawa nito upang mabigyan ng sapat na kahandaan at kakayanan ang mga mamamayan ng Antipolo.

Bukod sa mga pagsasanay at drill nakapagsagawa rin ang CDRRMO ng Information Education Campaign (IEC) sa iba’t ibang panig ng lungsod sa pamamagitan ng pamamahagi ng IEC materials na naglalaman ng mga kaalaman hinggil sa paghahanda sa sakuna o trahedya na nagmula sa national government. (Antipolo PIO)
-http://www.pia.gov.ph/news/index.php?article=2261371526447

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s