Tagalog news: Antipolo City ipinagdiwang ang Ika-115 Araw ng Kalayaan

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Hunyo 13 — Nagsagawa ng simpleng pagdiriwang at pag-aalay ng bulaklak ang Pamahalaang Panglungsod ng Antipolo upang gunitain ang ika-115 anibersaryo ng pagpoproklama ng kalayaan nitong Hunyo 12 sa Antipolo City Hall.

Ayon kay Antipolo City Mayor Nilo Leyble ang pagdiriwang na ginawa ay ang pinakapayak na ginawa ng lungsod.

“Kahit simple lang na pagdiriwang, ipinakikita natin ang pagmamahal natin sa ating bayan at pakikiisa sa pagdiriwang ng bansa para sa Pambansang Kalayaan,” ani Mayor Leyble.

Pinangunahan ng pamahalaang panglungsod ang pagdiriwang kasama ang Department of Education (DepEd) Division of Antipolo at City Culture, Arts and Tourism Promotion Office (AnCCATPO).

Kabilang din sa mga dumalo ang ilang konsehal, department head at program heads, pulisya at mga opisyales ng Public Order and Safety Department. (Antipolo PIO)
-http://www.pia.gov.ph/news/index.php?article=2261371088219

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s