Tagalog news: Comelec-Antipolo tuloy ang serbisyo sa kabila ng sakuna

LUNSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Hunyo 10 (PIA) — Patuloy ang serbisyo publiko ng Commission on Elections (Comelec) Antipolo sa kabila ng naganap na sunog na nakaapekto dito kamakailan.

Muntik masunog ang tanggapan ng Comelec kasama ang ilang importanteng dokumentong kaugnay sa eleksyon na ginanap nitong Mayo.

Kasalukuyang nag-oopisina ang tanggapan sa parking area ng Antipolo City Hall at patuloy ang mga transaksyon sa mamamayan ng Antipolo tulad ng pagkuha ng Voter’s ID na hindi pa nakuha bago mag-eleksyon.

Hindi man tuluyang natupok ng sunog ang Comelec ay nabasa naman ang mga importanteng dokumento dala ng pagbuhos ng mga bumbero ng tubig sa ikalawang palapag ng gusali kung saan matatagpuan ang City Library.

Nagsimula ang sunog sa isang gusaling pagawaan ng kandila na tumupok sa maraming kabahayan hanggang sa makarating sa gusali kung saan nag-oopisina ang City Library at Comelec. (CPG/GG-PIA4A Antipolo PIO)
-http://www.pia.gov.ph/news/index.php?article=2261370494844

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s