Tagalog news: Antipolo CEWMO nagsagawa ng ‘Linis Creek’

LUNSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Hunyo 10 (PIA) — Nagsagawa kamakailan ng “Linis Creek Operation” ang Antipolo City Environment and Waste Management Office (CEWMO) sa kahabaan ng Sapang Tae Creek, Barangay San Roque nitong Mayo 30 bilang tugon sa Memorandum Circular No.2011-11 ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ang operasyon ang buwanang programa ng CEWMO bilang pagsunod sa inilabas na memorandum circular ng DILG na nag-uutos sa mga local government unit (LGU) na magsagawa ng regular na paglilinis ng mga estero, kanal at maging mga ilog upang masolusyunan ang lumalaking problema ng bansa sa baha.

Ang buwanang programa ng tanggapan ay sinasagawa tuwing ikatlong linggo ng buwan kaakibat ang ibang opisina ng lungsod ng Antipolo gaya ng General Services Office (GSO), Task Force Manila Bay (TFMB), Clean and Green Program (CNG) at ang Public Information Office (PIO).

“Isinasagawa ito ng aming tanggapan bilang ahensya ng lungsod ng Antipolo na nangangalaga sa ating kalikasan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng buwanang ‘linis creek operation.’ Nagkakaroon ng koordinasyon sa iba pang ahensya ng pamahalaan na nagtutulong-tulong upang maisagawa ito at makaiwas sa anumang sakuna na maaaring idulot kung mananatiling madumi at barado ang ating mga daluyan ng tubig gaya istero, kanal at ilog,” ayon kay Jocelyn Masangkay, pinuno ng CEWMO.

Ginagawa ang Linis Creek Operation sa nasabing daluyan ng tubig bilang paghahanda sa darating na tag-ulan kung saan nagkakaroon ng malaking pagbaha.

Nakakolekta ng 85 sako ng basura na binubuo ng mga plastic, styrofoam, putol ng kahoy at tinabas na damo na nagiging sanhi ng pagbabara ng mga daluyan ng tubig ang 24 empleyado ng lungsod ng Antipolo na nakibahagi sa paglilinis. (GG-PIA4A/Antipolo PIO)
-http://www.pia.gov.ph/news/index.php?article=2261370498546

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s