Tagalog news: Mga iskolar ng pamahalaan ng Rizal, tumaas sa loob ng limang taon

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Abril 24 (PIA) — Tumaas ang bilang ng mga iskolar ng pamahalaang panlalawigan ng Rizal sa pinakamataas na antas sa loob ng limang taon.

Sa ulat ng scholarship office kamakailan, may kabuuang 14,593 mga iskolar ang naitala sa buong lalawigan. Sa bilang na nabanggit, may 1,592 nito o 11 porsyento ang nakatanggap ng full scholarship habang ang 13,001 o 89 porsyento naman ay nakatanggap ng student assistance.

Sinimulan noong 1996 sa ilalim ng Rizal College Scholarship Program (RCSP), ang programang “Iskolar ni Gob” at nakapagrehistro na ng mahigit 100 mga iskolar na itinuturing na pinakamatalino sa mga matatalinong nagtapos sa mataas na paaralan.

Ito ay tumaas pa sa 400 mga iskolar sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ni Gob. Jun Ynares matapos palawakin ang programa sa pagdaragdag ng student assistance program (SAP) para sa mga estudyanteng hindi nakaabot sa karampatang puntos sa pagsusulit para sa RCSP.

Isa ang edukasyon sa mga prayoridad ng pamahalaang panlalawigan ng Rizal kung kaya’t pinalawak nito ang programang pang-iskolar upang matugunan ang pangangailangan sa edukasyon ng mga mahihirap na pamilya sa kanyang nasasakupan.

Sa kasalukuyan, may mga bagong programang idinagdag sa RCSP at SAP. Ito ay kinabibilangan ng scholarship grant para sa mga guro at kawani ng Kagawaran ng Edukasyon na gustong magpatuloy ng post graduate studies; technical and vocational courses; ecclesiastical courses para sa mga may nais na maging pastor, pari at madre; para sa mga nagnanais na kumuha ng abogasya at medisina; para sa mga estudyanteng nagtatrabaho; para sa may mga may kapansanan; at para sa mga mahihirap na gumagawa ng impormal na paghahanap-buhay upang makapag-aral lamang.

Dahil sa pinalawak na programang “Iskolar ni Gob” ng pamahalaang panlalawigan, ang bilang ng mga nakikinabang sa programang ito ay nagtala ng pinakamalaking pagtaas ng rekord na mahigit sa 3,000 porsiyento sa loob ng limang taon.

Sa pagtatapos ng taong panuruang 2012-2013, mayroong karagdagang 396 na bagong mga iskolar ang naisama sa listahan ng RCSP habang 3,409 naman ang nasa ilalim ng SAP. (Rizal PIO)

http://www.pia.gov.ph/news/index.php?article=2261366103975

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s