Tagalog news: Operation libreng tuli handog ng Antipolo CHO

LUNSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Abril 10 — Isinagawa kamakailan ng Antipolo City Health Office (CHO) ang “Operation Libreng Tuli” para sa mga mahihirap na kabataan sa lungsod ng Antipolo.

Ginaganap ng CHO ang programang tuwing bakasyon taon-taon para sa mga kabataang lalaki mula siyam hanggang 15 taon.

Ayon kay Dr. Antonio Reillo Jr., City Health Officer, malaking tulong ito sa mga kabataang taga Antipolo, lalo na sa mga mahihirap na mamamayan na nais magpatuli nang ligtas at maayos.

“Panahon na naman ng bakasyon, at ito ang pagkakataon na magkaroon tayo ng operation libreng tuli. Ipagkakaloob natin dito ang libreng anestisya at pagtutuli para sa mga kabataan na maaari nang tuliin. Malaking bagay ito sa kanila at iwas impeksyon pa dahil dito sa health center natin isasagawa,” sabi ni Dr.Reillo.

Mahigit kumulang sa 50 kabataang lalaki ang sumalang sa libreng pagpapatuli. Pawang nasa edad 11 hanggang 14 na taon. Nagpapasalamat naman ang mga magulang ng mga batang natuli sa pagkakataon na ibinigay sa kanilang mga anak. (Antipolo PIO)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261365559599

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s