Tagalog news: Antipolo CEWMO, SM City Masinag nagkaisa sa idaraos na Earth Hour 2013

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Marso 19 (PIA) — Nagkaisa ang Antipolo City Environment and Waste Management Office (CEWMO) at SM City Masinag sa paghahanda sa idaraos na Earth Hour 2013 sa Marso 23 mula 8:30 hanggang 9:30 ng gabi sa mall open ground.

“Isang magandang pangyayari ang pagkakaisa ng CEWMO at SM City Masinag para sa pagdaraos ng Earth Hour kung saan ipinapakita natin ang ating malasakit sa ating kalikasan dahil hindi lamang ito para sa atin kundi para na rin sa susunod na henerasyon na sa pagdating ng panahon masilayan pa rin nila ang ganda ng kalikasan na tinatamasa natin ngayon,” ayon sa pinuno ng CEWMO na si Jocelyn Masangkay.

Isinasagawa ang Earth Hour taon-taon sa buong mundo kung saan nagkakaisa sa iisang layunin para sa kalikasan sa pamamagitan ng pagpapatay ng ilaw sa mga tahanan, opisina, pasilidad at mga signages na ginagamitan ng kuryente sa loob ng isang oras mula 8:30 hangang 9:30 ng gabi. Isa itong hakbang sa patuloy na aksyon laban sa climate change, makatipid sa enerhiya at bilang pagkalinga sa kalikasan at maiwasan ang pagkasira nito.

Magkakaroon din ng switching off light ceremony na gaganapin sa open ground ng mall kasunod ang programa kung saan mapapanood ang iba’t ibang pagtatanghal gaya ng sayawan, kantahan at iba pang aktibidad na lalahukan ng mga talent ng Antipolo at mga kilalang personalidad. (PIO/GG/CPG/PIA-4A)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261363656690

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s