Tagalog news: Serbisyong panlipunan uunahin sa ika-apat na anibersaryo ng paglipat ng Kapitolyo

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Marso 5 (PIA) — Nagpalabas ng direktiba si Rizal Gob. Jun Ynares III sa mga tanggapan ng pamahalaang lalawigan na sa halip na magkaroon ng malaking pagdiriwang hinggil sa ika-apat na selebrasyon sa paglipat ng Kapitolyo ay unahin ang pagsasagawa ng mga serbisyo publiko sa buong probinsya.

Sa mismong araw ng paglilipat ng pamahalaang lalawigan ng Rizal noong Marso 4, 2009, sinabi ni Provincial Health Officer Iluminado Victoria na may bagong narating o milestone ang probinsya sa pagbabasbas at pagpapasinaya ng pangpitong bagong ayos na Rizal Provincial Hospital System –Antipolo Annex. Nakikita itong isang malaking tulong sa pagsusulong ng mga serbisyong medikal sa lugar.

Kasabay ng inagurasyon ng ospital, ang pagsasagawa ng iba’t ibang medical services tulad ng cataract screening, digital rectal exam, breast exam, ECG examination, prostate screening, breast ultrasound, pap smear, anti-pneumonia vaccination for senior citizens, free eyeglasses distribution at iba pang serbisyo ay ipinagkaloob sa mga mamamayan nang libre.

Bukod sa mga serbisyong ito, ang Provincial Social and Welfare Development office ay nagsagawa din ng supplementary feeding programs sa mga daycare children na may 6-17 buwang taon. Ang mga Barangay Health Workers at Nutrition Action Officers ay tumulong sa mga gawaing ito upang magbigay ng technical assistance. (CPG/Rizal PIO)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261362440107

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s