Tagalog news: Antipolo PNP nagsagawa ng tree planting

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Enero 25 — May 40 pulis ng lungsod ng Antipolo ang nagtanim ng mga puno bilang pagpapatuloy ng proyekto ng dating Antipolo PNP Chief P/Sup Nicanor Bartolome na “Sampung Milyong Puno Para sa kinabukasan.” 

Pinangunahan nila PO3 Liberata Suyo, SPO1 Orlando Jalmasco at SPO1 Ma. Theresa Bautista kasama ang mga residente ang isang tree planting activity sa Sitio Tulakin, Barangay Bagong Nayon. 

Halos 100 punla ng Mahogany ang itinanim sa isang bahagi ng gilid ng bundok ng Sitio Tulakin. 

Ayon kay Suyo ng Police Community Relations Section, lingguhan nilang ginagawa ang pagtatanim o depende sa kahilingan ng mga barangay na nais makilahok sa proyekto. 

“Malaking tulong ang pagtatanim ng mga puno lalo na sa mga lugar kung saan maaaring mangyari ang pagguho ng lupa upang maiwasan ang ito. Malaking tulong din ito upang maiwasan ang agarang pagbaha. Ito lamang ang isa sa aming maipapamana hindi lamang sa mga susunod na henerasyon, kundi maging sa ating kalikasan.” ayon kay ni PO3 Suyo. (Antipolo PIO) 

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261359072000

Tagalog news: Antipolo PNP nagsagawa ng tree planting

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s