Tagalog news: Business One Stop Shop sa Antipolo patuloy na dinaragsa

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Enero 10 — Patuloy na dinaragsa ang Business One-Stop Shop 2013 (BOSS) na kasalukuyang nagaganap sa Antipolo City Hall ground sa pamumuno ni Business Permit and Licensing Office (BPLO) Head Buddy Maniquiz.

Isinasagawa ito sa city hall grounds mula Lunes hanggang Sabado upang mas mapabilis at mapalawig ang serbisyong ibinibigay ng BPLO sa mga negosyanteng kumukuha ng business permit.

Nahirapan ang tanggapan sa unang linggo ng pagsisimula ng programa dahil nahihirapan ang mga negosyante na kumuha ng barangay clearance sa kani-kanilang barangay na unang hakbang at dokumentong kinakailangan sa pagkuha ng permit. Naging normal naman ang operasyon sa ikalawang lingo at kalaunan ay unti-unti nang dumaragsa ang mga tao.

Nagpasalamat naman si Maniquiz sa Public Information Office sa pagsuporta sa BOSS 2013 sa pamamagitan ng pagpapakalat ng impormasyon sa pagkuha ng business permit.

Magtatapos ang BOSS 2013 sa Enero 18 ngunit maaari pa itong madugtungan kung kinakailangan batay sa magiging kahilingan ng mga negosyanteng hindi pa nakakakuha ng business permit. (CPG/GG,Antipolo PIO)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261357791697

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s