Tagalog news: Bagong Nayon nakinabang sa medical mission

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Dis 26 — Nabenepisyuhan ang mga residente ng Sitio Tagumpay, Brgy. Bagong Nayon sa “Lingap sa Barangay” medical and dental mission.

Ang mission ay pinangunahan nina Dr. Antonio Reillo Jr. at Dr. Alfredo Paspe ng Antipolo City Health Office (CHO), Dr. Evelyn Chua ng Antipolo Community Hospital at iba pang mga doktor at dentista.

Labis na ikinatuwa at ipinagpasalamat ng ng mga residente nasabing medical at dental mission.

“Ang ating ginagawang medical at dental mission ay kaloob ng ating pamahalaang lungsod upang patuloy na maibaba sa ating mamamayan ang mga serbisyong medikal. Hindi lamang medical services kundi iba’t ibang programa pa ang kasama nito upang tunay na matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga mamamayan. Nawa’y ating patuloy na suportahan ang mga ganitong programa at magkaisa at magsama sama para sa masmagandang bukas ng ating lungsod,” ayon kay Antipolo Mayor Nilo Leyble.

Kasama sa iba pang serbisyong ibinababa sa bawat barangay ang libreng rabies vaccination na kaloob ng City Veterinary Office, birth registration sa pangunguna ng Local Civil Registry, financial and burial assistance ng City Social Welfare and Development Office, libreng gamot at mga bitamina para sa mga bata at libreng gupit na handog naman ng City Cooperative and Livelihood Office.

Katuwang din ang “Clean and Green” sa pagsasaayos ng mga lugar upang masiguro ang kalinisan at kaayusan. (Antipolo PIO)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261356500691

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s