Tagalog news: Antipolo CEWMO nagsagawa ng Linis Creek sa Sapang Buho

ANTIPOLO CITY, Rizal, Dis 26 (PIA) –Nagsagawa ng operasyon “Linis Creek” ang Antipolo City Environment and Waste Management Office (Cewmo) sa Sapang Buho, Barangay Dalig sa pakikipagtulungan ng General Services Office (GSO), Clean and Green Program at Task Force Manila Bay.

Sinagawa ng Cewmo bilang tugon sa lumalalang problema ng basura na isa sa mga sanhi ng baha sa lungsod.

Isinagawa ang nasabing linis creek operation sa kahabaan ng sapang buho mula Gloria Heights Subdivision patungong Sitio Kamatisan hanggang sa Ferret Ville Subdivision kung saan nakakulekta sila ng mahigit 20 sako at 35 trash bags ng basura at mga damong nagapas.

Ang nasabing lugar ay nakaranas ng matinding baha mula sa mga nagdaang bagyo tulad ng mga Bagyong Ondoy at Sendong at maging ang hanging habagat na nagdulot ng malaking kalamidad sa lungsod.

“Prevention is better than a solution. Kaya naging taunan nang programa ito ng aming tanggapan upang hindi na maulit pa ang nangyaring trahedya. Isinasagawa namin ito sa lahat ng ating ilog, sapa at canal bilang paghahanda sa anumang kalamidad na darating gayundin upang maging kaayaaya sa paningin ang ating kapaligiran lalong-lalo na sa mga dumadayo sa ating lungsod,” ani Jocelyn Masangkay Masangkay, tagapamuno ng Cewmo. (Antipolo PIO)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261356500639

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s