Tagalog news: Antipolo CEWMO nag-ulat ng mga proyekto noong 2012

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, January 15 (PIA) — Nag-ulat kamakailan ang Antipolo City Environment and Waste Management Office ng mga naisagawang proyekto at programa sa taong 2012.

Kabilang sa mga nagawa ng tanggapan ang pagbibigay ng Environmental briefing at Environmental Permit to Operate sa mahigit 11,700 na aplikante para sa negosyo, buwanang linis creek, pagtalaga ng 270 Environmental Enforcer na nakapagbigay ng 1,200 violation tickets, pagsasagawa ng pag-aaral para sa pagpapatupad ng Anti-Smoke Belching Ordinance at patuloy na pagbabantay sa basura mula koleksyon, pagsasalin at pagdala sa dumpsite.

Namahagi ang CEWMO ng 10,000 seedlings sa iba’t ibang grupo sa lungsod upang itanim bilang pagtugon sa hamon ng Climate Change at Global Warming. Binantayan din ng CEWMO ang pagpuputol ng mga puno at pagpapatupad ng City Ordinance No. 2010-416 o ang Graduating Student Tree Planting Ordinance. Nakapamahagi rin sila ng 35,000 piraso ng Information Campaign Materials upang ipaalam sa mamamayan ang mga ipinapatupad na regulasyon ukol sa kalikasan.

“Ang tanggapan ay patuloy na ipapatupad ang mga nararapat para sa ikabubuti ng ating kalikasan sapagkat naniniwala kami na kasabay sa pag-unlad ng lungsod ang pangangalaga dito, maaari tayong umunlad gamit ang mga resources na ito ng hindi natin kailangang sirain ang kalikasan ng sa gayon ay may maiiwan tayong maganda sa susunod na henerasyon,” sabi ni CEWMO Jocelyn Masangkay sa ginaganap na Flag Ceremony sa City Hall noong Enero 14.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng CEWMO sa iba’t ibang samahan o grupong pribado at publiko upang patuloy na makakuha ng kaalaman at suporta para maisakatupan ang mga proyekto at programa ng tanggapan. (Antipolo PIO)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261358223748

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s