Tagalog news: Antipolo BPLO naghandog ng maagang Pamasko

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Dis 18 — Naghandog kamakailan ng maagang pamasko ang Antipolo Business Permit and Licensing Office (BPLO) sa may 40 kabataan ng Missionary of Charity, Good Shepherd Subdivision Antipolo City.

Naisakatuparan ang programa na pinamagatang “Handog Pasko para sa mga Bata” sa pagtutulungan ng iba’t ibang departamento ng tanggapan. Pinaghandaan ito mula sa pagpaplano hanggang sa paglilikom ng pondong gagamitin sa programa sa pamamagitan ng pag-aambagan ng mga empleyado upang makabuo ng sapat na halaga.

Isinagawa ng mga empleyado ang prorama sa kabila ng sobrang kaabalahan sa trabaho upang makapagbigay saya sa mga bata ng Missionary of Charity na inabandona ng kanilang mga magulang. Ang nasabing institusyon na pinamumunuan ng mga madre ay may layuning mas maalagaan at mabigyan ang mga ito ng tamang edukasyon.

“Isang karangalan at kasiyahan sa akin ang makapagbigay saya sa mga batang katulad ninyo dahil ako rin mismo ay nanggaling sa kinatatayuan ninyo ngayon, nagmula sa hirap at nagsumikap upang makaahon rito, kung kaya’t nagpapasalamat ako sa aking mga kasamahan sa aming tanggapan sa pakikiisa at pagtulong sa gawaing ito. Ang ginagawa ninyong pagtulong ay babalik din sa inyo ng higit pa sa inyong ibinigay at inaasahan,” ayon kay Buddy Maniquiz ng Antipolo BPLO.

Namahagi sila ng mga laruan, candies, gamit na pampersonal at pangkalusugan sa mga bata. Ito ang pangalawang beses na ginawa ng BPLO ang ganitong klase ng programa at patuloy nila itong gagawin taon taon bilang pagtulong sa mga nangangailangan at pagtupad sa tungkulin bilang Kristiyano. (Antipolo PIO)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261355799560

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s