Tagalog news: 8,000 kabataan at kababaihan sa Rizal, inaasahang makikinabang sa proyektong pangkabuhayan

BINANGONAN, Rizal, Enero 3 (PIA) — Inaasahang may 8,000 kabataan at kababaihan sa lalawigan ng Rizal ang makikinabang sa proyektong pangkabuhayan na ipagkakaloob sa kanila mula sa pagtutulungan ng Department of Trade and Industry (DTI), Laguna Lake Development Authority (LLDA) at Asian Social Institute (ASI).

Ang proyektong pangkabuhayan na gagamit ng kawayan at water hyacinth na mas kilala bilang water lily ay nakapaloob sa isang kasunduan na nilagdaan kamakailan ng mga kinatawan ng DTI, LLDA at ASI.

Base sa kasunduan, ang DTI ay magbibigay ng capacity building activities, livelihood training skills at magtuturo ng merkado para sa produktong gawa sa kawayan at water lily.

Samantala, ang LLDA ang magkakaloob naman ng materyales at kagamitan tulad ng dryers at makina (sewing machines), habang ang ASI naman bilang pangunahing tagapagpatupad ng proyekto ang siyang magpapatnubay sa mga benepisyaryo na kanilang inorganisa sa mga bayan ng Angono, Binangonan at Cardona.

Ang industriya ng kawayan at water hyacinth ay parehong kinuha ng DTI bilang pangunahing proyekto at kabilang sa kanilang mga priority industry clusters for development. (CPG-PIA4A at ulat mula sa DTI4A)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=631357184813

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s