Tagalog news: ‘Taktakbo sa Antipolo 2012’ tagumpay na ginanap

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Dis 6 (PIA) — Matagumpay na ginanap ang 3K Fun Run na “Taktakbo sa Antipolo 2012” sa pangunguna ng Clinica Antipolo at sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Antipolo.

Nagsimula ang takbo sa paradahan ng Clinica Antipolo at tumahak ng tatlong kilometro sa Ninoy Aquino Avenue, Barangay Dela Paz.

Layunin ng programang mamulat at mabatid ng mga taga-lungsod na dapat pangalagaan ang kapaligiran kasabay ng ating pangangalaga ng katawan.

Nilahukan ang fun run ng higit 500 mananakbo mula sa iba’t ibang panig hindi lamang ng Antipolo kundi pati na rin ang mga kalapit-bayan ng lungsod. Pinangunahan ito nila Dr. Dominador Pedracio, presidente ng Clinica Antipolo, at Mayor Nilo Leyble kasama sina Pablo Oldan at Konsehal Edward O’Hara.

Nagwagi sa 3K fun run sina Robin Sagun, Joshua Ricaflanca, Julius Yim, Richard Alcantara, at Mark Allen Cunanan. Binati ni Fara Carolina Pedracio, administrator ng Clinica Antipolo, ang mga tumulong upang maging matagumpay ang fun run lalong lalo na ang mga sumali.

“Ang buong pamunuan ng Clinica Antipolo Hospital and Wellness Center ay nagpapasalamat sa mga nakiisa, sumali at nakitakbo sa fun run na ito. Higit lalo sa mga tumulong sa programang ito na maging matagumpay. Ang proyektong ito ang magmumulat sa kagandahan ng ‘Hinulugang Taktak’ at kamalayan na dapat nating alagaan ang ating kapaligiran at magkaroon ng dagdag kaalaman sa ating kalusugan. Ito ang ating maipapamana sa mga susunod na henerasyon,” sabi ni Pedracio.

Sa tulong ng City Youth and Sports Development, Public Information Office, Public Order and Safety Department, General Services Office at Philippine National Police naging tagumpay ang takbo. Nakipag-ugnayan ang mga sangay ng city hall at Clinica Antipolo upang maging maayos, masaya at payapa ang fun run. (Antipolo PIO)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261354769558

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s