Tagalog news: Parada ng Antipolo Fiesta tagumpay na idinaos

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Dis 10 — Naging matagumpay ang idinaos na grand parade upang simulan ang Fiesta ng Antipolo City ngayong taon na may temang “Ang galing Antipolo.”

Pinangunahan ni Mayor Nilo Leyble, Punong Barangay Puto Leyva, Executive Assistant for Social Services Menchie Leyble, department heads, program at office heads ng tanggapan ng lungsod ang parada na nagsimula sa Ninoy Aquino Park, umikot sa loob ng poblacion at nagtapos sa tapat ng city hall.

Kasama rin sa parada ang mga empleyado ng city hall pati na rin ang apat na annexes, mga eskwelahan sa Antipolo at mga pribadong ahensya. Pinanood naman ang parada ng libu-libong taong bayan na nag-abang sa ruta upang masilayan nila ang paghahanda at pagdiriwang ng Fiesta ng Antipolo.

Nilahukan ang fiesta ng iba’t ibang barangay, katulad ng Barangay San Luis, Mambugan, Mayamot at San Jose. Mayroon ding mga delegation mula sa mga barangay katulad ng Sta Cruz, Inarawan, Beverly Hills, Bagong Nayon, Calawis, Cupang, Dela Paz, Muntindilaw, San Juan, San Isidro at San Roque. Ipinamalas ng bawat barangay ang kanilang pagkakaisa at suporta sa fiesta.

Nakilahok rin ang mga pribado at pampublikong eskuwelahan tulad ng Lores Elementary School, Sumulong Memorial High School, JSES, KAILA Elementary School, Isaias Tapales Elementary School, San Isidro Elementary School, Rich Golden Shower Montessori Center, Sta. Cruz Elementary School, Bagong Nayon IV Elementary School, Antipolo Mindfield Academy Inc., Bagong Nayon II Elementary School, Our Lady Of Peace School, San Roque National High School, the League, Mother Goose Montessori Grade School/ Southridge Private High School, San Jose National High School, San Jose Community, Immaculadians na nagsipagdala ng kani-kanilang mga drum and lyre bands.

Samantala lumahok din ang San Isidro National High School, San Jose National High School, San Roque National High School, Antipolo National High School, Dalig National High School, Bagong Nayon II National High School, Mayamot National High School, Dela Paz National High School at delegasyon mula sa DepEd sa pagdiriwang.

Mayroon ding mga pribadong organisasyon na nakisaya kasama na ang Nilo Youth Movement, Antipolo Pipols Organization, RCS, Idol Mo, FBI-SNL, Antipoloñeo-Ako, Photogarphy Guild of Antipolo at Camera Club of Antipolo. Nakiisa rin ang samahan ng mga tricycle drivers na ACTODAF.

Ayon kay Engineer Norberto Mendoza, officer-in-charge ng Antipolo City Culture, Arts and Tourism Promotions Office (AnCCATPO), malaki ang ipinagkaiba ng Fiesta ngayong taon kung saan mas marami ang mga sumali sa parada.

Nagpasalamat din si Mayor Leyble sa suporta ng bawat taga-Antipolo at sa ginawang pagtangap sa parada ng taunang Fiesta. (Antipolo PIO)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261355099066

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s