Tagalog news: Angono Best Police Station sa Rizal

ANTIPOLO CITY, Rizal, Dec 3 — Pinarangalan kamakailan ng Philippine National Police – Rizal ang mga pulis ng Angono bilang Best Police Station sa lalawigan ng Rizal.

Ginanap ito noong November 27 sa Rizal Police Provincial Office kung saan iginawad ni Police Director PSSupt Rolando B. Anduyan kay Angono Police Chief PSupt Resty Damaso ang naturang parangal. Tumanggap din si Damaso ng parangal bilang best chief of police sa lalawigan ng Rizal.

Si Angono police chief Damaso ay naging hepe ng mga pulis noong August 13 lamang.

Naging basehan ng parangal ang matagumpay at epektibong pangangasiwa ng Angono police sa larangan ng resource management, law enforcement, crime prevention and solution, internal security operations, at police community relations.

Ayon sa pulis ng Angono, naging matagumpay sila dahil na rin sa tulong ng mamamayan na lumahok sa mga Barangay Pulong-Pulong/Ugnayan at mga nagboluntaryo bilang kasapi ng Barangay Peace Action Team o BPAT.

Ayon sa ulat, ang mga BPAT ay patuloy na nakikipagtulungan at nagbibigay ng impormasyon sa mga kinauukulan na siyang nakaapekto sa mga pagkabawas ng krimen sa kani-kanilang lugar na nasasakupan.

Binati at pinuri din ni Angono Mayor Gerry Calderon ang mga pulis sa parangal na kanilang natanggap.

“Ang award na ito ay patunay na numero uno tayo pagdating sa peace and order at mahigpit na pinagkakatiwalaan at sinusuportahan ng mamamayan ang ating kapulisan. Dahil sa peace and order at mabilis na pagsugpo ng mga krimen, nahihimok natin ang mga investor upang dito mangalakal at paglaon ay mag-ambag sa pag-unlad ng ating bayan,” wika ni Mayor Calderon. (Angono PIO/Richard Gappi)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261354508863

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s