384 environmental enforcers, tinuruan ng kaalaman sa paghuli ng mga lumalabag sa batas

ANTIPOLO CITY, Rizal, Nov 22 (PIA) — Mayroong 384 katao ang dumalo sa isinagawang paralegal orientation ng Antipolo City Environment and Waste Management Office (CEWMO), bilang paghahanda na maitalagang environmental enforcers sa ilalim ni CEWMO officer-in-charge Jocelyn Masangkay.

Ang mga environmental enforcers ay binibigyan ng karapatang manghuli ng mga lumalabag sa City Ordinance 2007-2008 o ang “Antipolo City Waste Management Code of 2008” at City Ordinance 2009-370 o mas kilalang “Regulated Plastic and No Styrofoam Ordinance of Antipolo.”

“Importante na maituro ang proper enforcement dahil naniniwala ako na mas maraming nakakaalam mas maraming magtutulungan.

Sa laki ng ating kalupaan na mayroong kabuuang halos 38,000 ektarya talagang mas kailangan natin ang mas maraming tao upang pangalagaan ang ating kapaligiran kasama ang kalikasan,” sabi ni Masangkay.

Dinaluhan orientation ng mga mamamayan ng Antipolo mula sa iba’t ibang bahagi ng lipunan tulad ng mga guro, propesyunal, katutubo, magsasaka, empleyado ng gobyerno, at mga maybahay.

Nakibahagi sila sa kagustuhan nilang makatulong sa pangangalaga ng kapaligiran at maging bahagi sa pagbibigay solusyon sa mga problemang kaakibat ng pag-abuso sa kalikasan tulad ng global warming.

Itinuro rin sa mga environmental officer ang tamang pamamaraan sa panghuhuli ng mga lumalabag sa batas upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

Kailangang ipaliwanag ang batas sa unang paglabag at ang kaukulang multa sa susunod na paglabag. Matapos ang programa ay binigyan ang mga dumalo ng uniporme, ticket at mga posters na naglalaman ng ordinansa at multa sa paglabag. (Antipolo PIO)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261353556609

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s