Tagalog news: Rizal ipinagdiwang ang Araw ng may Kapansanan

ANTIPOLO CITY, Rizal, Nov 12 (PIA) — Pinaigting pa ng Lalawigan ng Rizal ang kampanya sa pagmumulat ng kamalayan sa karapatan ng mga may kapansanan sa selebrasyon ng Araw ng May Kapansanan ng Rizal sa Nobyembre 9, 2012 sa Ynares Center, Antipolo, Rizal.

May temang “Kahit May Kapansanan, May Kakayahan, May Karapatan”, iba’t ibang aktibidad ang isinagawa upang ipamalas ang talento at makasining na abilidad ng mga may kapansanan mula sa iba’t ibang bayan ng probinsya. Ang mga natatanging may kapansanan sa lalawigan ay binigyan din ng pagkilala at parangal.

Si Gng. Carmen Zubiaga, Acting Executive Director of the National Council on Disability Affairs (NCDA) ang pangunahing tagapagsalita sa palatuntunan. Siya rin ay binigyan ng Award of Excellence dahil sa kanyang mga ginagawa upang ipaglaban ang karapatan ng mga taong may kapansanan.

Sa panahon ngayong marami nang batas ang nagawa upang maisulong ang karapatan ng mga taong may kapansanan, isang napakahalagang paalala ang nasabing pagdiriwang upang pataasin ang antas ng kaalaman at hikayatin ang bawat isa na makiisa sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga taong may kapansanan.

“Lagi nating susuportahan ang mga adhikain ng mga may kapansanan. Ang pamahalaang panlalawigan ay lagi nang nasa unahan sa pagpapalaganap at paggising sa kamalayan ng sambayanan na respetuhin ang karapatan ng mga may kapansanan,” pahayag ni Gob. Ynares. (Rizal PIO/PIO-Rizal)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261352678464

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s