Philhealth MOVES , inilunsad sa Rizal

ANTIPOLO, Rizal, Nov. 12 (PIA) — Mahigit 2,000 katao ang nakinabang sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) MOVES (Mobile Orientation, Validation and Enrolment Scheme) kamakailan kung saan namahagi ng Philhealth ID sa mga mahihirap at nangangailangang residente ng nasabing lungsod.

Ang proyektong ito ay pinangunahan ng Philhealth, kasama ang Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pakikipagtulungan ng Rizal Provincial Government sa pamumuno ni Gob. Jun Ynares, isa ring manggagamot.

Ang mga benepisyaryo ay pinili sa pamamagitan ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) ng DSWD. Sila ay natukoy bilang “poorest of the poor” at nagmula sa mga barangay ng Antipolo, Rizal.

Upang maipakita ang pagsuporta sa programa, nilagdaan ng Philhealth, DOH, DSWD, Rizal Provincial Government, mga lokal na pamahalaan sa probinsya, at iba pang stakeholders ang isang Pledge of Commitment. Ito ay naaayon sa Universal Health Care Program na naglalayong maisama ang lahat ng mga Pilipino, lalo na ang mula sa mahihirap na pamilya, sa listahan ng mga benepisyaryo ng Philhealth.

“Kami ay kaisa sa mga nais tumulong sa marginalized sector ng lipunan. Ang Philhealth coverage ay siguradong makababawas sa paghihirap ng ating mga mamamayan upang matugunan ang kanilang medikal na pangangailangan,” pahayag ni Gob. Ynares. (Rizal PIO/PIA-Rizal)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261352678395

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s