Antipolo City namahagi ng mga hito fingerlings

ANTIPOLO CITY, Rizal, Nov 12 (PIA) — Tumanggap kamakailan ang ilang may-ari ng palaisdaan ng maliliit na hito mula sa pamahalaang lungsod ng Antipolo, ayon kay Violeta Suarez, officer-in-charge ng City Agriculture Office.

“Sa ilalim ng agricultural d, sinisikap ng aming tanggapan na mapagbigyan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayang magsasaka at ng kanilang pamilya. Tulad na lang ng mga hiling ng ilang may mga may-ari ng palaisdaan, ang pagpapalaki ng hito ay maaaring makadagdag sa kanilang kita o sa pangangailangan ng kanilang pamilya,” sabi ni Suarez.

Pinangunahan ni aquaculturist Benjie Nuñez at Vic Velayo ang paglikom ng 1,500 pirasong hito na ipinamahagi sa mga nagmamay-ari ng mga palaisdaan sa Barangay San Jose. Ayon kay Nuñez, madali ang pagpapalaki ng mga hito kumpara sa ibang lahi ng isda, tulad ng tilapia.

“Mas matibay sa outdoor condition ang mga hito at hindi mapili sa pagkain. In a few months lang ay maaari na itong iharvest, ibenta o iulam,” sabi ni Nuñez.

Tuloy-tuloy ang mga programa ng tanggapan ng lokal na pamahalaan sa sektor ng Agrikultura. Dagdag pa ni Suarez, ipaalam lang sa kanilang tanggapan ang ilang pangangailangan ng mga magsasaka at gagawin ng pamahalaan ang kanilang makakaya upang matugunan ito. (Antipolo PIO/PIO-Rizal)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261352678324

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s