Tagalog news: Teresa nakiisa sa pagdiriwang ng World Rabies Day

ANTIPOLO CITY, Rizal, Okt 3 — Nakiisa ang bayan ng Teresa sa ginanap na pagdiriwang ng World Rabies Day na may temang, “Working Together to Make Rabies History” noong Setyembre 28 sa pamamagitan ng dog show at pagbibigay ng libreng bakuna laban sa rabies.

Pinangunahan ng municipal agriculture office (MAO) at provincial veterinary office (PVO) ang mga programa upang maipaabot sa lahat ang kahalagahan ng responsableng pag-aalaga sa aso upang maiwasan ang kaso ng rabies.

Ang dog show na nilahukan ng mga dog owners ay eksklusibo para sa mga mamamayan ng Teresa at ginanap sa Teresa Municipal Covered Court bilang pakikiisa sa World Rabies Day.

Umabot sa tatlumpu’t tatlong aso ang nakilahok sa paligsahan na nahahati sa tatlong kategorya: asong pinoy; small breed at large breed. Isang 9-month old Golden Retriever ang nanalo sa large breed category na pagmamay-ari ni Stefannie Montoya, samantalang isang 7-month old Shih Tzu ang nanalo sa kategoryang best in small breed na pagmamay-ari ni Shiela Concepcion at ang nanalo naman sa best in asong pinoy ay ang alaga ni Emily Siasat.

Mayroon ding nagwagi sa best in costume at peoples’ choice award kung saan lahat ng nanalo ay tumanggap ng tropeyo, dog food at dog soap. (Izy San Jose-Teresa MIO/CPG/GG-PIA4A)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s