Tagalog news: PESO Antipolo pinarangalan sa PESO national congress

ANTIPOLO CITY, Rizal, Oct 25 (PIA) — Iginawad sa Public Employment Service Office (PESO) – Antipolo ang parangal sa 2011 Search for the Best PESO Practices ng Component City sa buong Region IV-A at national nominees para sa naturang kategorya.

Naigawad din sa PESO-Antipolo ang Best PESO Manager.

Isinagawa ang ika-12 National PESO Congress sa Baguio Country Club, Baguio City na may temang “Tugon ng PESO: Wastong Trabaho at Agarang Serbisyo.”

Tinanggap ni Antipolo PESO Manager Roger Atim, ang parangal mula kay Labor Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz at Senador Jinggoy Estrada.

Ipinirisinta din kamakailan ni Atim at mga opisyal mula sa DOLE Regional at Rizal Province ang plake at tropeo na natanggap ng Antipolo kay Mayor Nilo Leyble.

“Binabati ko ang PESO Office sa pamumuno ni Engineer Roger Atim sa pagiging Best PESO para sa buong rehiyon at para sa pagiging National nominee. Nagpapasalamat din kami sa Department of Labor and Employment sa pagbibigay ng parangal sa ating pamahalaang lungsod ng Antipolo. Ito’y tunay na pagpapakita ng kahusayan at taos pusong paglilingkod ng ating kawani sa paglilingkod sa ating mga kababayan,” sabi ni Leyble.

Nakamit ng Lungsod ng Antipolo ang naturang parangal dahil sa magandang performance at accomplishment sa loob ng isang taon.

Ang pagbibigay nila ng halaga sa accessibility ng manpower resources at daliang pagbibigay ng trabaho sa mga unemployed, hindi lamang sa Lungsod ng Antipolo kundi maging sa karatig bayan ng Rizal.

Ikinunsidera din ng Board of Judges ang mataas na nominasyon para sa National Award ng PESO Antipolo, base na rin sa mataas na puntos na natanggap ng Bureau of Local Employment parameters. (Antipolo PIO/GG-PIA4A)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261351146759

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s