Tagalog news: P1.3-M bayad sa cash for work program ng Rizal naibigay na

ANTIPOLO, Rizal, Okt 3 — Higit sa P1.3 milyon ang ibinayad sa 575 na benepisyaryo ng Cash for Work Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lalawigan ng Rizal.

Ang mga benepisyaryo ay nagmula sa pitong barangay ng Antipolo, Rizal na nagtrabaho ng kabuuang 10 araw mula Agosto hanggang Setyembre ng kasalukuyang taon. Ang programa ay umupa ng mga residente ng iba’t ibang barangay na naglinis at nagtanggal ng mga dumi at kalat sa mga baradong sapa, ilog at iba pang daluyan ng tubig. Ang iba naman ay nagwalis ng kalsada sa loob ng 10 araw.

Inabot ni Rizal Gob. Jun Ynares III ang bayad sa mga benepisyaryo sa isang seremonya sa Ynares Center, Antipolo, Rizal.

“Pinasasalamatan natin ang magandang programang ito. Hindi lamang sa pagbabahagi ng kamalayan sa ating mga mamamayan hinggil sa tamang pagtatapon ng basura, binibigyan din sila ng oportunidad na magkaroon ng hanapbuhay,” pahayag ni Ynares.

Samantala, ang iba pang mga benepisyaryo ng programa na isinasagawa sa buong lalawigan ay makatatanggap ng kanilang bayad sa pagkumpleto ng 10 araw na programa. (CPG/GG,PIA4A,Rizal PIO)

 

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261349236090

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s