Tagalog news: Disenyo ng bagong palengke ng Antipolo nanalo ng international award

ANTIPOLO, Rizal, Okt 25 (PIA) — Nanalo ang disenyo ng bagong palengke ng Antipolo sa prestihiyosong BCI Asia-International Architecture Award, sa ilalim ng kategoryang International Green Design.

Ang konsepto at disenyo nito ay mula sa NLDR Architects International Co. at kay architect Norberto Del Rosario.

“Noong dinisenyo namin ang Antipolo New Public Market, pinag-aralan talaga namin itong mabuti dahil nais namin na mabigyan ng maayos at magandang bagong palengke ang lungsod ng Antipolo. Sinigurado namin na hindi ito magdudulot ng polusyon sa Hinulugang Taktak at kalikasan. Alam namin na mahal na mahal ng mga taga-Antipolo ang Hinulugang Taktak,” sabi ni architect Del Rosario.

Nanalo ng bagong palengke sa naturang international award dala ng ang pagkakaroon ng sariling Sewage Treatment Plant (STP) at pasilidad na naglilinis ng tubig ulan.

Iniipon at nililinis ng STP ang maduming tubig mula sa palengke upang magamit muli bilang pangdilig, panlinis at pambanyo at hindi bumagsak sa Hinulugan Taktak.

Gumagamit din ng “LED Light” ang pasilidad na siyang nagiging dahilan ng katipiran sa pagkonsumo ng kuryente at may disenyong gumagamit ng natural na air at light ventilation.

Napasama din ang disenyo ng bagong palengke sa libro ng BCI Asia-Architecture 2012 na nilalatha sa buong Asia Pacific.

Ang BCI Asia ay nagbibigay parangal sa mga nangungunang “developers” at “architectural firms” sa buong Asia Pacific na nagdisenyo ng mga gusali na may makabagong pasilidad at teknolohiya, na nagbibigay ng kahalagahan sa kalikasan at nagbibigay kaginhawahan sa komunidad. (Antipolo PIO/CPG/GG/PIA 4A)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261351146684

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s