Tagalog news: Antipolo City Agriculture Office nagpamahagi ng Pangasius

ANTIPOLO CITY, Rizal, Nob 6 — Namahagi ng mga isdang pangasius ang Antipolo City Agriculture Office (CAO) sa ilang nararapat na may-ari ng palaisdaan sa lungsod. Matapos mamahagi ang agriculture office ng mga tilapia fingerlings ay namigay ito ng pangasius o kanduhito na maaaring gawing fish fillet matapos maproseso.

“Hinihikayat namin ang pagsubok ng ilan sa mga kababayan natin na may fishpond na mag-alaga ng pangasius. Madali itong palakihin at hindi mahirap alagaan. Pwede silang palakahin sa isang konkretong fishpond, fishtanks na gawa sa fiberglass or plastic o dugout fishponds,” sabi ni Benjie Nuñez, aquaculturist ng tanggapan ng City Agriculture.

Ang larangan ng pag-aalaga ng mga isda tulad ng tilapia, hito, at pangasius ay bahagi rin ng pagpapalakas sa sektor ng agrikultura sa lungsod ayon kay Violeta Suarez, CAO officer-in-charge.

Katuwang din ng lokal na pamahalaan ang Department of Trade and Industry sa pagpapalaganap ng impormasyon ukol sa pag-aalaga ng pangasius sa lungsod ng Antipolo at sa maaaring kitain ng mga negosyante dito. (Antipolo PIO)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261352172244

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s