Tagalog news: 300 iskolar nagtapos ng computer training sa Angono

ANTIPOLO CITY, Rizal, Okt 3 — Mahigit 300 na mga iskolar ang nagtapos ng computer training sa bayan ng Angono noong ika-27 ng Setyembre.

Nagtala ang bayan ng Angono sa pangalawang pagkakataon ng pinakamalaking bilang ng mga nagsipagtapos sa programa sa lalawigan ng Rizal. Noong nakaraang computer training ay naitalang humigit 400 na estudyante ang naging iskolar nito, kabilang na ang 72 taong gulang na lola.

Ngayong taon, humigit 300 na estudyante mula sa nasabing bayan ang nabigyan ng libreng training sa Basic Application Software (BAS) at Basic Computer Technician. Pinasinayaan ni Angono Mayor Gerry V. Calderon ang mga iskolar na kanilang pagtatapos, kasama si Bagong Henerasyon (BH) Party List, Congressman Joel Roy Duavit kasama na rin ang suporta ni Rizal Governor Jun Ynares III.

Naisakatuparan ang programa sa pamamagitan ni BH Party List Representative Bernadette Herrera-Dy na siyang nagbigay ng computer van kung saan nakalagak ang mga computer units na ginagamit para sa training ng BAS. Tinuruan ang mga estudyante ng basic Microsoft Word, Excel at PowerPoint application. Ang training sa basic technician naman ay ginanap sa Youth & Training Center ng Angono sa Brgy. Kalayaan.

Ang van ng Computer School-on-Wheels (COW) ay ipinamahala na ng BH Party List sa unang distrito ng Rizal sa pamamagitan ni Cong. Joel Roy Duavit at ito ay iikot sa iba’t ibang bayan ng distrito upang magbigay ng libreng computer training.

Katuwang ang Office of the Mayor at ang KKK Office, ang Community Training & Livelihood Office (CTLO) ng Angono na pinamumunuan ni Angelo San Juan, coordinator, ang siyang muling nag-organisa ng computer training sa taong ito. (Manda Icasiano-Angono PIO/GG-PIA4A)

 

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261349234778

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s