Tagalog news: 4,000 makikinabang sa 4Ps program sa Antipolo

ANTIPOLO CITY, Rizal, Set 27 (PIA) — Patuloy na isinasakatuparan ng pamahalaang lungsod ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa pamamagitan ng city social welfare and development office (CSWDO).

Nakatuon ang programa sa mga kapus-palad na pamilya at mga mahihirap na mamamayan sa lungsod. Isinakatuparan ang proyekto upang maihatid ng tama at lubos sa mga nangangailangan ang pondo mula sa national government na ipinagkakaloob ng lokal na pamahalaan.

Sabi ni Nadeia Sarte, officer-in-charge ng CSWDO, isa ito sa prayoridad na kanilang inaayos upang masiguro na maibibigay ng tama at patas ang naturang proyekto.

“Sa mga nagdaang taon ng i-promote ni Pangulong Aquino itong 4Ps or Pantawid Pamilyang Pilipino Program, agad tayong inatasan ni Mayor Leyble na masigurong maihahatid natin sa pinakamahihirap na pamilya itong programa. Kasi hindi naman pwedeng basta na lamang itong ibigay. May mga proseso tayong sinusunod para ma qualify yung pamilya. Kaya lahat ng barangay ay iniikot namin para sa proyektong ito,” sabi ni Sarte.

Isinagawa ng CSWDO ang validation noong Setyembre 17 na matatapos bukas, Setyembre 28. Nagkaroon sila ng mga community assembly sa bawat barangay kung saan nila sinasala ang mga pamilyang papasok sa proyekto.

Tinatayang may mahigit kumulang na 4,000 potential beneficiaries ang maaaring makinabang sa 4Ps base sa resulta ng kanilang validation.

Makakatanggap ang beneficiaries ng hindi tataas sa P1,500 kada buwan at hindi naman bababa sa P500 kada buwan base sa kondisyon ng isang pamilya. Sabi ng CSWD validators, ang pinakamahirap na pamilya lamang ang maaaring makapasa rito, kung saan walang inaasahang income at may malaking bilang ng miyembro sa pamilya.

Kabilang sa mga potensyal na benepisaryo ay mula sa mga barangay ng Sta Cruz, 401; Inarawan, 545; Dela Paz, 516; San Juan, 245; Calawis, 345; San Luis, 1,553; San Jose, 173; Cupang, 3; Mambugan, 4; Mayamot, 7; San Isidro, 28; Beverly Hills, 21; Bagong Nayon, 10; Munting Dilaw, 38; Dalig, 92 at San Roque, 75. (Antipolo PIO/CPG,GG, PIA-Rizal)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s