Tagalog news: Sewage treatment plant sa palengke bawas polusyon sa Hinulugang Taktak

ANTIPOLO CITY, Rizal, Set 20 (PIA) — Magkakaroon ng sariling sewage treatment plant (STP) ang nalalapit nang magbukas na new public market sa Barangay Dela Paz, Antipolo City na layuning protektahan ang Hinulugan Taktak at ang kalikasan.

Ang tinatayong pasilidad ay magmumula sa pagtutulungan ng pamahalaang lungsod ng Antipolo at ng Lopez Group of Companies sa ilalim ng public-private partnership (PPP).

Mas mapapangalagaan ng new public market ang Hinulugan Taktak kumpara sa lumang palengke sa Poblacion dahil dadaan sa proseso ng “recycling” ang maduming tubig na manggagaling sa bagong palengke. Ang maduming tubig na dadaan sa treatment plant ay magiging malinis, walang amoy at magagamit panglinis, tubig-banyo at panghugas ng kamay ngunit hindi pwedeng inumin. Tiwala ang lokal na pamahalaan at pribadong sektor na hindi magdudulot ng polusyon sa tubig ang bagong palengke dahil sa makabagong teknolohiya ng STP.

Dahil sa walang STP ang palengke sa kabayanan, ang maduming tubig na nanggagaling dito ay dumadaloy sa kanal patungo sa Hinulugang Taktak na nakakadagdag sa pagkasira, pagdumi at pagbaho ng makasaysayang talon sa Antipolo. Bukod sa masikip, madumi at kulang sa parking space, ito rin ang isa sa mga kinakaharap na problema ng pamahalaang lokal kung kaya’t matapos ang masusing pag-aaral, minarapat na ilipat ang palengke.

Ang malawak, malinis at makabagong pasilidad ng new public market ay tinatayang magbubukas sa Nobyembre. Inaasahang nakapwesto sa unang palapag ang bilihan ng mga isda, karne, prutas at mga gulay habang sa ikalawang palapag matatagpuan ang dry section, food court, cyberzone at fun house para sa mga bata.

Mayroon ding sapat na bilang ng palikuran o toilets sa bawat palapag ng bagong palengke na pananatilihing malinis at may regular na daloy ng tubig sa bawat gripo.

Bukod sa halos 300 parking space, magkakaroon din ng transport terminal para sa traysikel, FX at jeep.

Hindi lamang ang kapakanan ng mga mamimili, mga tindero at tindera ang kasama sa prayoridad ng new public market ngunit pati na rin ang makabawas sa polusyon at mapangalagaan ang kalikasan. (Antipolo PIO/CPG/GG,PIA4A)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261348106447

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s