Tagalog news: Kauna-unahang Antipolo seniors citizens’ summit ginanap

ANTIPOLO CITY, Rizal, Set 20 (PIA) — Mahigit 400 senior citizens ang dumalo sa 1st Senior Citizens Summit 2012 na idinaos kamakailan sa Victory Park and Shop multi-purpose court.

Ang programa na may temang, “Masaya at Malusog na Buhay habang nagkaka-edad,” ay proyekto ng Antipolo City Social Welfare and Development Office (CSWD), Office of the Senior Citizens Affair (OSCA) at ng Antipolo Federation of Senior Citizens Inc. (AFSCI). Nakiisa rin dito ang United Bayanihan Foundation na nagsusulong ng Bayanihang Sagad para sa mga senior citizens.

“Marami po tayong natutunan sa araw natin. At pinasasalamatan ko ang mga pangulo ng senior citizens sa mga barangay kaya sa ngalan po ni Mayor Nilo Leyble, mabuhay kayo at tayo ay maging masaya ngayon,” sabi ni CSWD Head Nadeia Sarte.

Tinalakay sa summit ni Jimmy Miralles, UBF volunteer, kung paano pananatilihin ang pagiging aktibong senior citizens sa kabila ng patuloy na pagtanda. Tinalakay naman ni Dr. Tina Dela Cruz, geriatrician ang sikreto ng malusog na pamumuhay sa kabila ng papataas na edad.

Ayon kay OSCA Head Manuel Gorobat, malaking tulong ito sa mga senior citizens upang magkaroon sila ng lakas ng loob para hindi nila isipin ang mga taong papalipas sa kanilang buhay.

“Napakaganda ng summit na ito, kahit first time lamang na ginawa, dahil napakalaking tulong nito sa aming mga senior citizens. Nagpapasalamat kami sa pagbibigay ng mga ganitong programa ng ating pamahalaan,” pahayag ni Gorobat. (Antipolo PIO/CPG/GG,PIA4A)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261348106260

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s