Tagalog news: SPMS workshop pinangunahan ng Antipolo CHRMO

ANTIPOLO CITY, Rizal, Set 11 (PIA) — Nagsagawa ang Antipolo City Human Resource Management Office (CHRMO) ng dalawang araw na seminar-workshop tungkol sa Strategic Perfomance Management System (SPMS) noong Agosto 23 at 25 sa St. Michael’s Retreat House.

Hinati sa dalawang batch ang workshop kung saan sumabak ang administrative services sa unang araw at sa ikalawang araw naman ang frontline services ng pamahalaan.

Sinuportahan ni City Mayor Nilo Leyble sa pamamagitan ni City Administrator Melvin Cruz ang programang naglalayong ipabatid sa mga empleyado ng pamahalaang lungsod ang makabagong pamamaraan sa pagsukat ng kanilang performance.

“Malaking bagay ang training na ito dahil dito masusukat ang lahat ng galaw ng isang kawani at magbebenefit dito ay hindi lamang mga employees kundi maging ang mga clients,” sabi ni Cruz. “Ang best type ng city hall ay yung hindi na kailangang puntahan ng mga tao dahil nabigay na yung serbisyo bago pa dumating yung pangangailangan. Hindi kailangan dito ang single performance kundi mahalaga ang performance ng isang departamento. Kaya ang system na ituturo ay team effort at hindi individual performance lamang.”

Nagpapasalamat naman si CHRMO Department Head Amelia Quezada sa pakikibahagi ng mga department heads at division heads sa isinagawang SPMS training-workshop.

Layon ng CHRMO na makasama ang Antipolo sa isa sa walong local government unit na makakagawa at makakatapos ng sarili nitong SPMS na maaprubahan ng Civil Service Commission sa taong ito.

Naging pangunahing resource speaker si Director Nelson Sarmiento mula sa Civil Service Commission na nagbigay ng lecture at paliwanag sa kahalagahan ng SPMS. Kabilang sa mga tinalakay niya ang kaibahan ng Performance Management System (PMS) kumpara sa dati nang isinasagawang Performance Evaluation System (PES).

Nagkaroon din ng workshop ang bawat grupo at nagkaroon ng pag-uulat base sa kanilang natutunan sa workshop-training. (CPG/GG,Antipolo PIO)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261347337617

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s