Tagalog news: Rizal LGU pinaigting ang paghahanda sa disaster

ANTIPOLO CITY, Rizal, Set 11 — Namahagi ng mga toilet bowls, jerry cans at water disinfectants sa 60 pamilya ng Barangay Sampaloc, Tanay, Rizal ang pamahalaang panglalawigan ng Rizal bilang pagpapaigting sa programa nito sa paghahanda sa disaster sa pamamagitan ng water, sanitation and hygiene (WASH) o programang tubig, kalinisan at sanitasyon sa lalawigan.

Pinangunahan ni Rizal Gob. Jun Ynares, kasama ang mga lokal na opisyales at barangay health workers ang pamamahagi ng WASH paraphernalia sa mga pamilyang naninirahan sa mga kabundukang barangay sa isang seremonya na ginanap sa Brgy. Sampaloc kamakailan.

Ang programang WASH ay itinuturing na isang gawain para sa pangangalaga sa kalusugan at sanitasyon ng mga komunidad at sitwasyon pagkatapos ng disaster sa mga evacuation centers at mga lugar na pansamantalang ginagamit ng mga lumikas na biktima ng kalamidad. Sa patuloy na mga gawain ng pamahalaang panlalawigan upang magkaroon ng mga komunidad na handa sa kalamidad, lalong pinaigting nito ang kampanya at paghahanda upang mabawasan ang epekto ng kalamidad at disaster na maaaring tumama sa lalawigan.

Maliban sa pagbibigay ng mga materyales ng WASH, pinag-ibayo rin ng pamahalaang panlalawigan ang mga gawaing edukasyon at kabatiran upang malaman ng mga pamilya at komunidad ang tungkol sa programang WASH bilang bahagi pa rin ng paghahanda laban sa disaster at kalamidad.

“Lalo naming pag-iibayuhin ang mga gawaing ito at patuloy na magbibigay ng mga kakailanganing tulong bilang bahagi ng ating programa na magkaroon ng handang mga komunidad laban sa disaster,” sabi ni Ynares. (Rizal PIO/CPG,GG,PIA4A)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261347337420

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s