Tagalog news: Mga creek nilinis ng Antipolo CEWMO at front line departments

ANTIPOLO CITY, Rizal, Set 11 (PIA) — Patuloy ang programang “Linis creek” ng pamahalaang lungsod ng Antipolo bilang suporta sa kampanya laban sa pagbaha. Ito ay base na rin sa memorandum mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Pinangunahan ng Antipolo City Environment and Waste Management Office (CEWMO) katuwang ang mga front line department na responsable sa naturang kautusan. Nilinis ang daluyang tubig mula sa Grand Heights hanggang Beverly Hills Creek at tinapos sa Las Brisas Creek nitong nakaraang buwan. Ito ang ika-walong creek na nilinis ngayong taon.

Sabi ni Andres Reyes, head ng Clean and Green Office, mahabang creek ang kanilang binaybay para maalis ang mga dumi at bara at hindi nila ito titigilan hanggang matapos bilang paghahanda pa sa pag-ulan.

“Mahirap man para sa ating staff at mga kasama, kailangang tapusin ito upang maisagawa ang kautusan ng DILG. Bale sa ngayon nga ay tuloy-tuloy ito. Ang ilan naming mga kasamahan ay nasa Brgy. Mayamot pa ngayon para ituloy yung paglilinis ng creek. Hinihiling ko lang sa ating mga kababayan na sana ay makipagtulungan sila at itapon ng maayos ang kanilang mga basura at huwag nang ilagay pa sa mga creek. Kasi pag muli namang bumaha sila rin ang maaapektuhan katulad ng mga bahay na ito na malapit sa creek,” sabi ni Reyes.

Pinutol ang mga damo, tinanggal ang mga sanga ng punong kahoy na nakabara sa mga creek at inalis ang malalaking bato upang tuloy-tuloy ang pagdaloy ng tubig. Nagpahiram naman ng garbage trucks ang Clean and Green and City Hall upang dalhin ang mga naipong basura sa dapat paglagyan nito.

Kasama ng CEWMO at Clean and Green ang General Service Office at Task Force Manila Bay. Ginagawa ang paglilinis ng creek tuwing huling Miyerkules ng buwan. (Antipolo PIO,CPG/GG,PIA4A)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261347337369

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s