Tagalog news: International School sa Antipolo nagtanim ng puno

ANTIPOLO CITY, Rizal, Set 18 — Mahigit 191 na mag-aaral at guro ng Sun Hwa International Academy (SHIA) ang nagsagawa ng tree planting activity na may temang, “Creating a Healthy and Envrionment-Friendly Antipolo Through Tree Planting” sa bulubunduking bahagi ng Antipolo City. 

Isang daan at animnapu’t walong mag-aaral ng nasabing pribadong paaralan, kasama ang 23 na guro ang nagtanim ng 300 uri ng forest at fruit trees tulad ng cupang, mahogany at mangga sa dating Metro Manila Development Authority (MMDA) landfill sa Brgy. San Juan. 

Inalalayan ng grupo ni Antipolo City Community-Based Forestland Protection Program (ACCBFPP)-Taskforce Tubig-Kanlungan Head Forester Eugenio ang mga mag-aaral sa aktibidad. Nakipag-ugnayan sa grupo ang Young Ambassadors for Peace Scholars (YAPS) ng Sun Hwa International Academy sa pamamagitan ni Project Coordinator Joshua Bringas. 

Sabi ni SHIA Principal Angeles Lorenzana, kabahagi sila sa adbokasiya para sa kalikasan at isang programa nila ang magtanim ng puno. 

“Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa matiyagang pag-alalay na ibinigay sa aming mag-aaral para sa tree planting na ito. Makaaasa kayong kaisa ninyo kami sa pagsusulong ng malusog na kapaligiran dito sa Antipolo,” sabi ni Lorenzana. 

Sinuportahan naman ng ACCBFPP ang mga nagsagawa ng tree planting at binigyan ng halaga ang magandang adhikain ng naturang paaralan. 

“Makakaasa po lagi ng tulong at suporta mula sa aming grupo ang sinumang nais magtanim sa ating Tubig Kanlungan at kami ay handang paunlakan ang kanilang kahilingan para sa pangangalaga ng ating kalikasan,” sabi ni Eugenio. (ANTIPOLO PIO/NAC/GG,PIA4A)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261347935531

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s