Tagalog news: Health office, Resources for the Blinds nagsagawa ng libreng operasyon sa katarata

ANTIPOLO CITY, Rizal, September 6 (PIA) — Muling isinagawa kamakailan ang libreng operasyon sa katarata ng City Health Office (CHO) at ng partner nilang Resources for the Blinds Inc. (RBI).

Ito ang ikalawang proyekto para sa 2012 sa mga may katarata. Mga senior citizens ang karamihan sa mga pasyente.

Ayon kay Dr. Antonio Reillo Jr., city health officer, ito ang pagpapatuloy ng serbisyong pangkalusugan ng pamahalaang lungsod sa tulong na rin ng mga private partners.

“Ibinababa natin ang serbisyo para sa mga mamamayan katulad nitong cataract operation na ginagawa natin taon-taon at hindi lamang isang beses. Ito na ang ikalawa nating proyekto at nagpapasalamat ako sa mga tumutulong lagi sa atin, ang RBI na handa silang maglingkod sa mamamayan ng Antipolo,” ani Reillo.

Ayon pa rin sa mga naghahanda ng programa, meron silang nakalap na 20 pasyente mula sa iba’t ibang barangay na may katarata.

Meron ding tatlong pasyente na may sakit na pterygium o yung ang may laman ang mata na dapat tanggalin. Isinagawa ang operation sa Mambugan Health Center.

Ayon kay Mary Ann Betulfo, may sakit na pterygium, malaking tulong sa kanya ang libreng operation na handog ng pamahalaan.

“Ako po’y lubos na nagpapasalamat sa pamahalaang ito at sa lahat ng mga bumubuo ng proyektong ito, kasi malaking tulong po talaga para sa amin ang bagay na ito at saka malaking kaluwagan po para sa amin, lalo na sa napakamahal ng pagpapa opera sa mata.” sabi ni Betulfo.

Lagi ring nakatutok sa proyekto ang mga doktor ng RBI.

Kabilang sa mga nanguna sa operasyon sina Dr.Paul Pacquing, Dr. Michael B. Umali, Dr. Gerald John Maceda at ang mga staff ng RBI na sina Victoria Victorina at Medardo Bataller.

Nagbigay naman ng tulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilang gamot para sa operasyon ang Santen Pharmaceutical Corporation na kapartner na rin ng Pamahalaang Lungsod. (Antipolo PIO)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261346908399

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s