Tagalog news: Caravan ng pamahalaang lunsod ng Antipolo, inihatid ang mga social services sa barangay

ANTIPOLO CITY, Rizal, Set. 2 (PIA) –Sa ika-apat na pagkakataon, naghatid ng social services ang caravan ng pamahalaang lunsod sa Sitio Dulong Crusher, Barangay San Roque kamakailan.

Dala-dala ng nasabing caravan ang mga serbisyong hatid ng city social welfare and development office, sa patnubay ni Nadeia Sarte; libreng medical consultation at dental services sa pakikipag-ugnayan at pagtutulungan ng pamunuan ng city health office at Antipolo Community Hospital na nakibahagi rin ang ilang volunteer doctors ng Amang Rodriguez Hospital.

Nagpaunlak din ang pamunuan ng city civil registry sa patnubay ni Crescenciana Lagasca para sa pagrerehistro ng mga ipinanganak na bata; ang city veterinary office para sa libreng bakuna ng mga alagang aso o pusa; ang city cooperative and livelihood office para sa serbisyong libreng gupit, at mga kawani ng city disaster risk reduction management office para sa blood extraction sa mga nais magpa-check ng kanilang blood sugar, at mga kawani ng office of the mayor upang tumanggap nang personal na mga kahilingan ng mga mamamayan sa alkalde.

Sinabi ni barangay captain Armand Panganiban na bibihirang mangyari sa San Roque ang mga ganitong pagkakataon, kaya pinayuhan ang kanyang mga ka-barangay na kapag nabalitaan ang mga ganitong proyekto ay pumunta kaagad upang ang mga serbisyong nakalaan ay maranasan ng lahat.

Ipinarating din ni Panganiban ang kanyang lubos na pasasalamat sa pamahalaang lokal sa pagtugon sa pangangailangan ng kanyang mga nasasakupan.

“Asahan po ng ating mga kababayan na pipilitin nating maghatid ng ganitong serbisyo malapit sa inyong lugar. Tayo po ay lilibot sa buong lungsod upang mailapit sa ating mga mamamayan ang mga serbisyong nais ipagkaloob ng ating punong lungsod. Kayo po’y makakaasa na na mahalaga ang kapakapanan ng ating mga kababayan kaya mayroon tayong ganitong programa,” sabi ni Atty. Menchie Leyble, executive assistant ng social services ng pamahalaang lokal ng Antipolo. (CPG, PIA4A at ulat mula sa PIO-Antipolo)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=631346552615

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s