Tagalog news: Caravan ng Antipolo LGU, naghatid ng serbisyo sa Barangay Cupang

ANTIPOLO CITY, Rizal, Set 14 (PIA) — Pinangunahan ng pamahalaang panglungsod ng Antipolo ang patuloy na ginagawang Social Services Caravan sa Purok 4 Zone 8, Cupang, Antipolo City. Hatid ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang naturang programa kasama ang kanilang partners for services.

“Narito po ngayon ang Social Services Caravan ng Antipolo kasama ang ating mga private partners sa pamumuno po ni Atty. Menchie Leyble, executive assistant for social services at siyempre ang ating head ng CSWDO na si Nadeia Sarte. Ang lahat po ng tumutulong dito sa Social Services Caravan mula sa iba’t ibang departamento ng ating pamahalaan. At sa lahat po ng mga opisyales ng barangay, maraming salamat po sa pagsama ninyo dito sa ating Social Caravan,” sabi ni Mayor Nilo Leyble.

“Ito pong Social Services Caravan na ito ay ginawa natin upang maipadama natin sa ating mga kababayan na ibinababa natin sa kanila ang serbisyo. Karaniwan ginagawa natin ito sa mga covered court. Pero ngayon ang serbisyong ito ay dinadala natin doon sa mga taong hindi na nararating at nasa liblib na lugar,” dagdag pa ni Leyble.

Mahigit 1,000 residente ang naserbisyohan ng Social Services Caravan. Nabigyan ng tulong ang mga may karamdaman, nagpapabunot ng ngipin, nagpapatala ng libreng birth registration at nagsagawa rin ng oryentasyon para sa pangkabuhayan at mga legal na tulong sa mga may kasong nais idulog.

Maliban sa medical and dental services, nagsagawa rin sila ng libreng bakuna sa mga may alagang hayop gaya ng aso at pusa. Para naman sa mga kabataan nagkaroon ng feeding program ang CSWDO at binigyan ng bitamina ang mga malnourished na bata. (CPG/GG,Antipolo PIO)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261347526801

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s