Tagalog news: Antipolo PESO magsasagawa ng job fair

ANTIPOLO CITY, Rizal, Sept 17 (PIA) — Magsasagawa ng job fair ang Public Employment Service Office (PESO) ng Lungsod ng Antipolo at ang partner na Magic 5 Brotherhood, isang nongovernment organization (NGO), sa Setyembre 19, alas-8 ng umaga sa Sumulong Park.

Ang nasabing job fair ang unang pagtutulungan ng dalawang may adbokasiya para sa kapakanan ng mga mamamayan ng Lungsod ng Antipolo.

Ayon kay Vincent Sta. Ana, tagapagsalita ng Magic 5 Brotherhood, ito ay bilang pagsuporta sa magandang adhikain at pamamahala ng kanilang miyembro na si Mayor Nilo Leyble.

“Naisip po namin na makipag-ugnayan sa PESO kung paano kami makakatulong sa ating mga kababayan. Since isa po sa founder ng Magic 5 Brotherhood si Mayor Nilo Leyble at kami bilang inspirasyon namin siya sa paglilingkod ay lagi kaming nakikibahagi sa kanyang mga programa at proyekto sa ating mahal na lungsod. Kaya naman naisip namin itong job fair. Kinausap namin si Mr. Atim upang makipag-tie up sa kanila at kami ang hahanap ng mga employer na pwedeng makatulong sa ating mga kababayan lalo na sa patrabaho,” sabi ni Sta. Ana.

Inaasahang dadagsang muli ang mga job seeker, lalo pa’t dagsa na rin ang mga employer na gustong mag-conduct ng recruitment.

Ayon sa Antipolo PESO, mahigit kumulang sa 30 kumpanya ang nagnanais sumali sa job fair, kasama ang ilang overseas employment agency, kaya naman natutuwa ang opisina ng PESO sa mga NGOs na handang tumulong upang mapababa ang unemployment sa lungsod ng Antipolo.

“Nagpapasalamat tayo sa mga NGO na ito gaya ng Magic 5 Brotherhood. Sila yung mga nag-iisip ng mga proyekto para makatulong sa bayan. Malaking bagay din ang proyektong ito dahil muli na namang magkakaroon ng pagkakataon ang ating mga kababayan na makahanap ng disenteng hanapbuhay,” sabi ni PESO OIC engr. Roger Atim. (CPG/GG/PIA 4A, Antipolo PIO)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261347849062

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s