Tagalog news: 100 senior citizens sa Antipolo, nakinabang sa medical mission

ANTIPOLO CITY, Rizal, Set. 2 (PIA) — Mahigit sa 100 senior citizens ng Sitio Buhanginan ang nakinabang sa medical mission na isinagawa ng City Hall Annex IV sa pamumuno ni Jun Dayao katuwang ang Cemex bilang bahagi ng kanilang social responsibility.

Sa patuloy na paghahatid ng serbisyong medikal sa mga senior citizens, ipinapakita ni Mayor Nilo Leyble na sa ilalim ng kanyang 9-point agenda NILO CARES mayroong puwang ang mga senior citizens sa mga serbisyong hatid ng kanyang administrasyon.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Leyble na umasa ang mga senior citizens na ang pamahalaang lokal ay handang makiisa sa mga programang nais nilang ipatupad lalo na sa mga senior citizens na maituturing na haligi ng ating lipunan.

“Marami pang programang nakalaan para sa mga senior citizens dahilan upang patuloy pang paigtingin ang mga plano para sa kanilang kapakanan. Hindi matatawaran ang mga sakripisyong hatid ng mga senior citizens sa kanilang mga pamilya at sa komunidad, ang mga bagay at kaisipang kanilang naibahagi sa bayan at sa mamamayan,” ayon pa sa mensahe ni Mayor Leyble.

Sinabi naman ni Jun Dayao na pagpapakita ito ng pagmamahal ni Mayor Leyble sa mga senior citizens. Nadama ang kanyang pagkalinga sa mga senior citizens dahil sa hatid na medical mission kung kaya’t labis ang kaligayahan at pasasalamat ng bawat isa.
(CPG, PIA4A at ulat mula sa PIO-Antipolo)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=631346552669

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s